• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Shinzo Abe, sa bansang Japan

NAGPAABOT  ng pakikiramay ang Pilipinas sa  mga mamamayan ng Japan  at pamilya ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe na pumanaw sa edad na 67,  araw ng Biyernes.

 

 

Namatay si si Abe matapos barilin sa labas ng isang train station sa Nara habang nagbibigay ng talumpati para sa nalalapit parliamentary election.

 

 

“It is with profound sadness that we learn of the passing of former Prime Minister ABE Shinzo,” ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

 

 

“We express our deepest condolences to the Japanese government and people on his tragic death. We send our most heartfelt sympathy to Madame Akie Abe and their family.  We pray for their comfort in this most difficult time,” dagdag na pahayag ng DFA.

 

 

Ayon pa sa departamento, “Mr. Abe was greatly admired by many Filipinos. We thank him for his key role in the strengthening of Philippines-Japan relations and for establishing a very deep bond of friendship with our country.  Mr. Abe will be very much missed and always remembered.”

 

 

Samantala, nagpahayag naman ng pakikidalamhati  si  dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa asawa ni Abe at pamilya nito.

 

 

“Abe was a good and loyal friend, a staunch supporter of my administration and a strong ally of the nation,” ayon kay  Duterte sa isang kalatas na ipinalabas ng tagapagsalita nito na si Martin Andanar.

 

 

“As the world mourns the loss of this great man, we remember him for his compassionate service and remarkable leadership. Indeed, one of the most influential world leaders of our time,” aniya pa rin.  (Daris Jose)

Other News
  • VILMA, pangarap pa rin ni Direk BRILLANTE na makatrabaho sa isang movie; type ding maidirek sina JOSHUA at NADINE

    BIHIRA ang pagkakataon na makakwentuhan ang Cannes Palme D’Or winner director na si Brillante Mendoza.     We were fortunate na naimbita ng award-winning director sa kanyang Secret Garden sa Mandaluyong, na ang laki na nang pagbabago since the last time we were able to go there many years ago.     Kahit na mahaba […]

  • Meet The New MCU Hero: Shang-Chi

    MARVEL Studios’ Shang-Chi and The Legend of The Ten Rings drops its first trailer and poster just in time for actor Simu Liu’s birthday!     Liu plays the film’s lead character Shang-Chi, a master of martial arts and the latest hero to arrive in the Marvel Cinematic Universe.     Titular star expressed excitement in his […]

  • DOLE nagpaalala: 13th month ibigay bago ika-24 ng Disyembre

    NAGLABAS  na ng guidelines ang Department of Labor and Employment (DOLE) pagdating sa 13th month pay ng mga empleyado, bagay na dapat mabayaran ng employers hanggang bisperas ng Pasko.     Ito ang muling idiniin ng kagawaran, Lunes, sa kalalabas lang nilang DOLE Labor Advisory No. 23, Series of 2022.     “The 13th month […]