Pinas, nagtalaga ng first envoy sa Morocco makaraan ang tatlong dekada
- Published on January 25, 2022
- by @peoplesbalita
MATAPOS ang 30 taon, muling binuksan ang Philippine Embassy sa Morocco kasama ang bagong envoy sa layong palakasin ang relasyon sa North African state.
Si Philippine ambassador to Morocco Leslie Baja, first Philippine envoy sa Rabat matapos ang tatlong dekada ay dumating noong Mayo 2021, isang taon matapos na buksan ang chancery noong 2020.
“A seasoned career diplomat, Baja presented his credentials to King Mohammed VI together with 38 other ambassadors in January 17, 2022,” ayon sa kalatas ng embahada.
Sa isang seremonya, hinatid si Baja kay King Mohammed VI sa Throne room ng Royal Palace sa Rabat.
Maliban sa Morocco, si Baja ay accredited bilang non-resident ambassador sa Mauritania at naghihintay ng oportunidad para iprisinta rin ang kanyang credentials sa Guinea, Mali at Senegal.
Matapos na iprisinta ang ang kanyang letters of credence mula kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ipinaabot naman ni Baja ang “President’s best wishes and hope for a new era in Philippine-Morocco relations.”
Dumalo rin sa nasabing seremonya si Moroccan Foreign Minister Nasser Bourita na unang tumanggap kay Baja noong Hunyo 2021.
Itinatag ng Pilipinas ang diplomatic relations nito sa Morocco noong Abril 10, 1975.
Sinabi ni Baja na ang muling pagbubukas ng Philippine Embassy ay napapanahon dahil sa ginagawang paghahanda ng Maynila para sa paggunita ng 50 taon ng diplomatic relations sa Morocco sa 2025.
Tinatayang may 4,600 Filipino sa Morocco, karamihan ay nagta-trabaho sa domestic, beauty and wellness at skilled sectors.
Sa kanyang unang miting sa Filipino community noong Hunyo 2021, nagbigay pugay si Baja sa magandang imahe ng mga Filipino sa Morocco, inilarawan niya ito bilang “better ambassadors of the Philippines in Morocco.”
Aniya pa, “a number of agreements are awaiting signature between the two countries in the areas of air services, cooperation between news agencies and diplomatic academies and political consultations.”
“At least two ministerial visits are also being planned which would convene the Joint Commission on Bilateral Cooperation. Despite the pandemic, trade between the two countries increased in 2020 totaling close to $23 million, with the balance in favor of the Philippines,” anito. (Daris Jose)
-
Ini-endorse na sangria, may non-alcoholic na: MOIRA, inalala ang nakatutuwang eksena nang malasing sila ni KZ
ANG mahusay na singer-songwriter na kilala sa kanyang heartfelt lyrics ang napiling first brand ambassador ng Maria Clara Sangria – ang leading sangria brand sa Pilipinas. Ini-launch din ang non-alcoholic version na Maria Clara Virgin Sangria, na masarap pang-chill-chill lang at hindi nakalalasing. Lumikha rin si Moira ng anthem na “Maria Clara,” isang […]
-
Ipinagpapalagay na tungkol sa married life niya: Caption ni HEART na ‘stay hopeful while waiting for the sun’, parang double meaning
FEEL namin talaga na among the new generation of singers, ang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano ay si Darren Espanto ang numero una na hinahangaan niya. Ilang beses na rin na talagang all-out ang papuri at paniniwala ni Gary sa talento ni Darren. At magkasama sila sa ASAP in […]
-
Matatanda, PWDs isama sa rekomendasyon na pagbibigyan ng executive clemency
NANANAWAGAN ang isang mambabatas sa Department of Justice (DOJ) na ikunsidera ang pagbibigay prayoridad sa mga matatanda, may sakit at persons with disabilities (PWDs) sa pagrerekomenda nang pagbibigyan ng executive clemency sa mga bilanggo ngayong panahon ng kaaskuhan. Ginawa ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan ang panawagan kasabay nang pagbibigay suporta […]