• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, nakakuha ng ₱9-B loan mula France

NAKAKUHA ang Pilipinas ng  €150-million o mahigit  na ₱9 billion policy-based loan mula  France para idagdag at gamitin sa  “climate change mitigation at adaptation.”
Sinabi ng  French Development Agency (AFD) na nagsagawa ito ng ceremonial exchange of documents sa Department of Finance sa loan na tinintahan noong nakaraang Disyembre  29, 2022.
Naglalayon itong tulungan ang climate-vulnerable Philippines na makamit ang itinakda nitong target na pagaanin ang greenhouse gas emissions.
“France remains more than ever engaged in a race against time for the preservation of our planet, and the fight against the climate crisis that becomes a concrete and devastating reality in the Philippines,” ayon kay Michèle Boccoz, Ambassador of France to the Philippines.
“It will devote €6 billion each year, until 2025, to help developing countries, including the Philippines, finance their transition and cope with climate disasters,” dagdag na wika ni Boccoz.
Tinuran ni AFD country director Bénédicte Gazon, ang bagong   loan program kasunod ng  nagdaang €250 million adaptation program loan na ginamit sa pagtatapos ng 2021 para bawasan ang  disaster risk sa local level.
Samantala, ang  AFD loan ay sinasabing parte ng pinagsamang  policy-based loan katumbas ng  €390 million na nakatakdang tanggapin ng bansa.
 Ang natitirang US$250 million ay manggagaling mula sa Asian Development Bank loan na nilagdaan noong Hunyo ng nakaraang taon. (Daris Jose)
Other News
  • Fernando, binalikan ang mga nagawa ng Bulacan laban sa pandemya

    LUNGSOD NG MALOLOS- Binalikan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga maagap na inisyatibo ng Bulacan na naging dahilan upang mapagtagumpayan ang laban sa pandemyang COVID-19 sa ginanap na 11th Joint Meeting of the Response, Law and Order, and Recovery Clusters ng Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 sa pamamagitan ng aplikasyong Zoom kahapon.     […]

  • Phivolcs, pinagsusuot ng N95 mask ang publiko vs Taal volcanic smog

    NAGLABAS  ng babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes ukol sa volcanic smog o vog na mula sa Bulkang Taal, bagay na nakataas sa Alert Level 1.     Ayon sa state volcanologists, ang “vog” ay uri ng gas na acidic at nagdudulot ng irritation sa mata, lalamunan, at sa respiratory […]

  • SMC itutuloy ang paglalagay ng BRT system sa Skyway 3

    Itutuloy ng San Miguel Corp. (SMC) ang planong paglalagay ng bus rapid system (BRT) sa kahabaan ng elevated Skyway Stage 3 expressway.     Ngayon tapos na ang proyektong Skyway Stage 3, sinabi ng SMC na pursigudo silang ituloy ang planong paglalagay ng BRT upang mas gumanda ang paglalakbay at masuportuhan ang tuloy-tuloy na daloy […]