• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, nakatanggap ng 442K respirator masks mula Canada

NAKATANGGAP ang Pilipinas ng 442,000 respirator masks mula sa Canadian government .

 

 

Ang nasabing dami ng respirator mask ay first tranche mula sa 837,000 respirator face masks na bigay ng Canadian government sa Department of Health (DOH) bilang pagsuporta sa health care workers na nangunguna sa paglaban sa coronavirus pandemic.

 

 

Nagkakahalaga ito ng P136 milyong piso.

 

 

Araw ng Biyernes, pinangunahan ni Canadian Ambassador to the Philippines, Peter MacArthur, ang pag-hand over ng first tranche na 442,000 masks sa DOH headquarters sa Maynila.

 

 

Noong Setyembre 2020, nag-turned over din ang Canada ng 120,000 N95 masks sa DOH.

 

 

“Canada is collaborating closely with the government of the Philippines and regional partners in the fight against Covid-19,” ayon kay MacArthur nang isagawa ang turnover ceremony.

 

 

“Our collaboration includes close engagement with the Association of Southeast Asian Nations (Asean) and its member states to support a coordinated and multilateral effort aimed at limiting and ending the pandemic,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang masks ay ibinigay sa pamamagitan ng pagtutulungan sa pagitan ng Canadian government, Asean Secretariat, at Asean member states upang pagaanin ang biological threats.

 

 

Simula pa 2013, ang mga partidong ito ay nagtutulungan na upang palakasin ang biological security, biological safety, at disease surveillance capabilities sa rehiyon.

 

 

“Building on this longstanding partnership, Canada has provided additional support to Asean partners to combat the Covid pandemic. This includes donating nine and a half million units of personal protective equipment, non-medical masks to the Asean Secretariat and seven member states, including the 837,000 masks for the Philippines,” ayon kay MacArthur. (Daris Jose)

Other News
  • Heat at Spoelstra suportado ng mga Pinoy fans laban sa Celtics

    BUHOS  ang suporta ng mga Pinoy fans para kay Filipino-American head coach Erik Spoelstra na si­yang humahawak sa Miami Heat.     Sasalang sa isang ‘rubber match’ ang Heat at ang Boston Celtics sa Game Seven ng Eastern Confe­rence championship series kung saan ang mananalo sa dalawang koponan ang papasok sa NBA Finals.     […]

  • Bakit OD?

    MAY mga kasamahan akong sportswriter na nag-iisip kung paano ko naisip ang pamagat ng aking kolum na lumalabas araw-araw dito sa pahayagang inyong pinagkakatiwalaan – People’s BALITA.   Sabi kasi ng ilan sa kanila dati, na sigurado silang basketbol ang tiyak na magiging paksa ko sa mula Lunes hanggang Sabado.   Pero sabi ko general […]

  • ‘Pinas, hindi isusuko ang West Philippine Sea

    TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na hindi nito isusuko ang kahit na nag-iisang pulgada ng teritoryo ng bansa kabilang na ang inaangkin nitong bahagi ng   South China Sea.   Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay matapos akusahan ng China ang Pilipinas ng  illegal provocations sa pinagtatalunang South China Sea.   Ani Sec. […]