• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, nakatipid ng $700 million sa pagbili ng COVID-19 vaccine- Galvez

NAKATIPID ang pamahalaan ng $700 million sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Ipinagmalaki ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakatipid ang gobyerno sa pagbili ng bakuna dahil sa maayos na negosasyon ng pamahalaan.

Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte , Lunes ng gabi ay sinabi ni Galvez na nakatipid ang pamahalaan ng $700 million sa vaccine deals kung saan ay naibaba nila ng kalahati ang alok na presyo para sa bakuna.

“Noong kinompute ko po lahat ng mga brand, lumalabas po na naka-save po tayo ng $700 million. Meaning, ‘yong kanyang offer price naibaba po natin ng halos kalahati kaya po ang nangyari po ‘yong dati po, ‘yong plano po namin ni Secretary Duque na 70 million doses, umabot po ng 148 million doses,” ayon kay Galvez.

“Doon po napakita na maganda po ang presyo natin na nakuha. Halos lahat po ng prices, advantage po tayo,” dagdag na pahayag nito.

Giit ni Galez, malinis ang COVID-19 vaccine purchase deals dahil mahigpit nilang sinunod ang stringent measures.

Binigyang diin nito na hindi niya hinawakan ang anumang pondo na may kinalaman sa negosasyon sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

“‘Yong deal po natin talaga pong sinasabi po natin sa ating mga tao, sa ating mamamayan na malinis po ‘yong deal natin at tsaka… wala po akong hawak na pera,” ang pahayag ni Galvez.

“Wala po tayong hinahawakan na pera. Ang pera ang magbabayad, bangko. Alam po natin na ang transaction ng bangko ay malinis po ‘yan. Hindi po tayo magkakaroon ng tinatawag nating corruption because of the World Bank integrity at tsaka po ‘yong Asian Development Bank,”aniya pa rin.

Aniya pa, kinumbinsi ng World Health Organization ang mga vaccine manufacturers na gawing available ang mga bakuna ng walang tubo.

Pumayag naman aniya ang mga pharmaceutical firms sa “no profit, no loss principle.”

“Yong ginawa po nating negosasyon, napaka-deliberate po at tsaka maganda po talaga. In fact, mapapangako ko po sa ating mahal na kababayan na ang lahat ng mga negosasyon at cost. Meaning, almost no profit,” ani Galvez.

Sa kabilang dako, sa gitna nang pag-aalinlangan sa halaga ng Sinovac COVID-19 vaccine, sinabi ni Galvez na ang presyo nito ay hindinalalayo sa presyo na ibinigay sa ibang bansa.

Ang paliwanag ni Galvez na ang Thailand ay maaaring nakakha ng “cheaper price” para sa Sinovac COVID-19 vaccine dahil maaaring mayroon na itong filling station para sa mga bakuna.

Aniya, ang pagkakaroon ng filling station ay nangangahulugan na ang manufacturer ay magdadala na lamang ng raw materials at ang bakuna ay kaagadd na ilalagay na kumpleto sa filling station.

“May capability po sila (Thailand) ng manufacturing po doon. Most likely, ‘yong kanilang arrangement is may filling station kaya nakamura po sila,” ani Galvez.

Sinabi pa ni Galvez na ang bakuna ay maaaring bilhin ng murang halaga kung ang pamahalaan ang siyang mismong hahawak ng freight at kukuha ng bakuna mula sa manufacturer. (Daris Jose)

Other News
  • After 20 years, kaya masaya ang mga anak: LOTLOT, tinanggap agad dahil blessing na muling makasama si RAMON CHRISTOPHER

    BAGO pa man sumikat ang mga kilalang loveteams nina Bianca Umali at Ruru Madrid at Mikee Quintos at Paul Salas na mga bida sa ‘The Write One’ ng GMA at VIU Philippines ay umalagwa ng husto noon ang tambalan nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.     Na humantong nga sa kasalan ng dalawa […]

  • Gilas Pilipinas inilabas na ang schedule sa 2021 Asia Cup

    Inilabas na ng FIBA ang mga schedule para sa 2021 Asia Cup na gaganapinsa Clark City mula Hunyo 16-20, 2021.     Unang makakasabak ang Gilias Pilipinas laban sa South Korea sa Hunyo 16, 2021.     Susundan na makakaharap nila ang Indonesia sa June 19 at muling haharapin ang South Korea sa June 20. […]

  • COVID-19 cases sa PNP tumataas

    Kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID sa hanay ng mga  pulis, inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa PNP Administrative Support to Covid-19 Task Force (ASCOTF) na magsagawa ng inventory sa mga gamot at iba pang mga medical supplies na kakailanganin ng mga police personnel.     […]