Pinas, nakikitang magiging 27th largest economy sa buong mundo sa 2037
- Published on December 29, 2022
- by @peoplesbalita
NAKIKITANG tataas ang paglago ng ekonomiya ng bansa at makokopo ang 27th spot bilang biggest economy sa buong mundo sa 2037.
Sa World Economic League Table (WELT) 2023 ng Centre for Economics and Business Research (CEBR), ang pagtataya sa ulat, ang Pilipinas ay tatalon ng 11 notches sa rankings, magmumula sa electronics manufacturing sector.
“The Philippines is projected to continue its growth run in the coming years… lifting the country from 38th spot in the ranking as of 2022 to 27th by 2037,” ayon sa CEBR.
Inaasahan kasi ng CEBR na ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas ay makapagtatala ng isang average growth na 5.3% sa susunod na limang taon.
Sa pagitan ng 2028 at 2037, winika pa ng CEBR na “Philippines could keep a “relatively high” GDP growth “at a further 5% per annum.”
Tinuran ng CEBR na ang Pilipinas at iba pang bansa gaya ng Bangladesh at Vietnam, ay maaaring mapalakas ang kanilang katayuan sa pamamagitan ng “securing a niche in the global value chain and improving labor productivity.”
Matapos lumiit ng 9.5% noong 2020, kapansin-pansin naman ang pagbangon ng local economy mula sa pananalasa ng COVID pandemic simula pa noong nakaraang taon.
Nangako naman ang administrasyong Marcos na hindi na ito magpapatupad ng hard lockdowns upang mas lalong mapalakas ang economic activities.
“The economy has been buoyed by a tight labor market, with the share of the labor force not in work estimated to have fallen by 2.0 percentage points to 5.7% in 2022. The high number of people in employment is a key strength for the economy, ensuring that consumer spending can be supported in the short to medium term,” ayon sa CEBR.
-
14-ANYOS NA MUSLIM, PATAY SA SUNTOK NG 13-ANYOS
PATAY ang isang 14 anyos na binatilyo nang ma-knock-out sa kapwa menor de edad na Grade 7 sa Fraternal St. Quiapo, Maynila. Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Sampaloc ang biktima na si Karim, di tunay na pangalan habang nasa kustodiya naman ng Barbosa Police Station ang suspek na 13 anyos na […]
-
Booster shot para sa Team Philippines sa SEAG
HIHILINGIN ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Olympic Committee (POC) na mabigyan din ng booster shot ang mga national athletes na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Ayon kay PSC Commissioner at Team Philippines Chef De Mission Mon Fernandez, naturukan na ng second dose ng vaccine laban sa coronavirus […]
-
MGA DIPLOMATS, ASAWA AT ANAK NA PINOYS, PINAPAYAGAN NG MAKAPASOK
PINAPAYAGAN na ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Diplomats, kanilang asawa at anak na Pinoys batay sa natanggap nilang resolusyon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na sa natanggap nilang resolusyon No. 95 mula sa IATF na pinapayagan nila ang […]