• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, napag-iwanan na ng ibang bansa pagdating sa face-to- face schooling- Sec. Briones

TANGING ang Pilipinas na lamang ang naiiwan sa mga bansa sa Southeast Asia na hindi pa bumabalik sa face-to-face classes.

 

Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na ito ang sinabi sa kanya ng UNCEF sa pakikipagpulong niya rito kamakailan.

 

Ayon sa Kalihim, ang face to face sa ibang bansa ay “contextualized” kung saan may iba aniya na may isang oras sa isang linggo habang ang iba naman aniya ay dalawang araw. Depende aniya sa sitwasyon.

 

‘Pero tayo na lang ang talagang.. hindi pa natin pinapayagan ang face to face dahil nga ang nangyari ay paglabas ng UK variant.. siyempre nag-worry ang Presidente na baka may epekto ito sa mga ating mga eskuwelahan,” ayon kay Sec. Briones.

 

Sa buong mundo naman kasi ay nakikita naman na karamihan sa mga bansa ay talagang nagbubkukas na ang mga ito ng kanilang mga eskuwelahan.

 

Magkagayon pa man ay naghahanda pa rin ang DepEd sa pagdating ng panahon na i-lift o bawiin na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang deferment ng pilot studies ng Pilipinas.

 

Sa ngayon ay masasabing maraming kondisyon ang dapat na ikunsidera gaya ng kailangang pumayag ang local government na gumawa ng face-to-face sa kanilang teritoryo dahil teritoryo ng mga ito iyon at saka malaki  ang mga investment ng mga local government sa mga eskuwelahan. Kailangan na may consent ng mga ito. Eliminated ang NCR sa isinama nila na 1,000 schools dahil hindi naman ito sumasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ).

 

Bukod dito, kailangan din na may written consent ng mga magulang dahil nag-survey sila sa mahigit ilang milyong participants kung saan ay lumabas na may mga magulang na hindi pa rin lubos na makuha o makita kung ano ang puwedeng advantage ng pagkakaroon ng face to face classes. Kailangan  na makuha ang consent ng mga magulang upang sa gayon na may mangyaring hindi maganda ay hindi sisihin ang DepEd.

 

Ang pangatlo ay may kinalaman sa facility ng DepEd dahil hindi naman lahat ng facility ng DepEd ay perpekto para sa pilot study.

 

“Ang pinaka-bottomline namin is an assessment of IATF and DoH,” ayon sa Kalihim.

 

Ang pang-apat namang kondisyon ay tracking o studies na talagang ginagawa sa iba’t ibang bansa o medical journals kung ano ba aniya talaga ang epekto ng Covid-19 sa mga bata. Saan nakakapulot ang mga ito ng germs o virus na ito at ang isa sa nakikita ng DepEd na posibilidad ay transportasyon, canteen o pagkain at kung ano pa kailangan na matiyak na malinis. (Daris Jose)

Other News
  • DPWH, DOH hinimok na simulan na ang paghahanda para sa quarantine facilities sa mga rehiyon

    Hinimok ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang DPWH at DOH na ihanda ang mga plano para sa pagtayo ng quarantine facilities sa lahat ng rehiyon sa bansa.   Nagpahayag ng kanyang suporta si Rodriguez sa panukalang inihain ni Deputy Speaker LRay Villafuerte para sa establishment ng quarantine facilities sa iba’t ibang rehiyon sa […]

  • Asawa na si Mikee, naglabas din ng saloobin: ALEX, piniling manahimik after na mag-sorry sa maling nagawa

    SI Lipa City Councilor Mikee Morada, ang humingi ng dispensa tungkol sa viral icing-smearing video involving his wife, Alex Gonzaga.      Sa kanyang personal facebook account:     “Madami na ang nasabi tungkol sa aking misis dahil sa nangyari noong kanyang birthday celebration.  Bilang asawa at head ng aming pamilya, nais kong sabihin kung […]

  • NAVOTAS KINILALA NG DILG SA ANTI-DRUG CAMPAIGN

    KINILALA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas dahil sa matagumpay na pagtugon nito sa problema ng iligal na droga kung saan nakapagtala ito 95% sa Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit na siyang pinakamataas sa NCR.     Tinanggap ni Mayor Toby Tiangco at Cong. John Rey […]