• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas nasa ‘minimal risk’ na

Patuloy ang pagbuti ng kalagayan ng bansa sa COVID-19 pandemic makaraang ilagay na ng Department of Health (DOH) sa ‘minimal risk’ ang buong kapuluan bunsod ng patuloy na pagbaba ng mga kaso.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas mababa na sa 1 ang ‘avegare daily attack rate’ ng bansa mula Nobyembre 22 hanggang Disyembre 5.

 

 

“Nationally we remain at minimal risk case classification with a negative two-week growth rate at -57% and a low-risk average daily attack rate at 0.67 cases for every 100,000 individuals,” ayon kay Vergeire.

 

 

 May 13 rehiyon din sa bansa ang nasa kahalintulad na klasipikasyon habang ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Zamboanga Peninsula ang nasa ‘low risk classification’ naman.

 

 

Naitala ang positivity rate ng bansa sa 1.80% kung saan ang Metro Manila naman ang may pinakamababang rate sa 1.1% lamang. Ang positivity rate ang porsyento ng mga indibiduwal na nagpoposi­tibo sa COVID-19 sa araw-araw na isinasagawang COVID-19 test sa buong bansa.

 

 

 Sinabi pa ni Vergeire na nasa ‘low risk’ o mas mababa sa 50% utilisasyon ang lahat ng health facilities sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • MGA SANGKOT NA PERSONALIDAD at BANK OFFICIALS KAILANGAN BANG PAPANAGUTIN sa PERWISYONG NARANASAN ng CAR OWNERS?

    Hanggang ngayon ay hinaing pa rin ng mga car owners and pagka antala sa pagpapalabas ng mga plaka ng LTO sa mga sasakyang nairehistro mula 2013 hanggang 2018 kaya’t nabuo ang bansag na “Republika ng Walang Plaka”.     Diumano ang isang malaking dahilan ng pagkaantala ay ang hindi makatarungang pag “freeze” ng pag-release ng […]

  • Maraming nag-attempt pero walang nagtagumpay: LLOYD, marunong um-exit ‘pag ramdam na ang harassment

    CRUSH at pantasya siya noon mapa-babae man o bading ang sikat na matinee idol noong Dekada ‘80 si Lloyd Samartino.   Kaya naman sa panayam namin sa kanya, dahil talamak na nangyayari ngayon sa showbiz ang issue ng sexual harassment, hiningan namin si Lloyd ng komento tungkol dito.   At umamin siya na noon pa […]

  • Pangulong PDu30 muling binira ang ABS-CBN

    MULING binira ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ABS-CBN network.   Hindi kasi nagustuhan ni Pangulong Duterte ang ginawa ng may-ari ng ABS-CBN network na nagpalabas ng paumahin subalit kalaunan ay itinanggi naman ang kanilang pagkakamali.   Sa naging talumpati ng Pangulo sa Cagayan de Oro City ay inalala ng Chief Executive kung paano humingi […]