Pinas, nasa ‘normal footing’ na sa gitna ng pagbaba ng Covid-19-PBBM
- Published on May 13, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na nasa “normal footing” na ang Pilipinas bago pa ideklara ng World Health Organization (WHO) na nagtapos na ang emergency phase ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.
Sinabi ng Pangulo na wala siyang nakikitang dahilan para ibalik ang emergency status lalo pa’t bumaba na ang kaso ng Covid-19.
“So we don’t need to do anything. We are already on normal footing. Nauna pa tayo sa kanila . And in terms of the… requirement that we used to have for a valid vaccine certificate, wala, matagal nang tinanggal ‘yun ,” ayon sa Pangulo.
“So now we have the e-Pass that’s much easier to use. That was… to make the ease of travel better. But we did that a few months back,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi naman ni House of Representatives Speaker Martin Romualdez na ang naging deklarasyon ng WHO ay magbibigay-daan naman sa Pilipinas na mapanatili ang pagyabong ng ekonomiya ng bansa o dalhin ang ekonomiya sa mas mataas na antas.
“The lifting would translate to increased mobility, more economic activities, and therefore additional job and income opportunities for workers and their families,” ayon kay Romualdez.
Sinabi pa niya na ang pagbawi sa travel restrictions ay mangangahulugan ng mas maraming turista ang bibisita sa Pilipinas.
“Let the concerned government agencies and sectors of the economy prepare for this possibility, which will benefit tourist destinations and local communities,” ayon kay Romualdez.
Magkagayon man, sinabi ni Romualdez na hindi pa rin dapat na maging kampante ang publiko at palaging i- observe ang minimum health requirements gaya ng pagsusuot ng face masks kung kinakailangan, regular na paghuhugas ng kamay, mag-isolate kapag may sakit, magpabakuna, at panatilihin ang physical distancing –upang maiwasan na mahawa ng Covid-19. (Daris Jose)
-
30% lang ng Pinoys ang gustong magpabakuna
Nasa 30 porsiyento lang ng populasyon ang gustong magpabakuna laban sa COVID-19 kaya balak ng gobyerno na gawing kondisyon sa mga benepisyaryo ng 4Ps ang pagpapabakuna. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isang malaking hamon sa kanila ang mababang porsiyento ng mga gustong magpabakuna. “Iyong mga pag-aaral po nagpapakita na […]
-
Puntiryang gawing Smart City ang siyudad… ‘Ate Sarah Discaya’ ng SGC Charity Foundation, naghain na ng COC, tatakbong Mayora ng Pasig, City
SI SARAH DISCAYA, kilala ng mga Pasigueño bilang “Ate Sarah” at asawa ng negosyanteng si Curlee Discaya, ay opisyal nang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) bilang mayor ng Pasig City, kahapon Oct. 6. Ibinahagi ni Ate Sarah na handa na siyang sundin ang panawagan ng mga Pasigueño. Nang matanong kung bakit siya tatakbo […]
-
Eugene Torre eere sa Usapang Sports via Zoom
Panauhing pandangal sina Asia’s first grandmaster Eugene Torre at National Chess Federation of the Philippines (NCFP) executive director Atty. Cliburn Orbe sa muling pagsiklab bukas (Thursday) ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sport Forum via Zoom. Sa kasalukuyan, si Torre ang nagsisilbing head coach ng 12-player Philippine team na sasabak sa unang […]