Pinas no. 3 sa SEA sa ‘vaccination rollout’
- Published on May 22, 2021
- by @peoplesbalita
Inihayag kahapon ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na kasalukuyang nasa ikatlong ranggo ang Pilipinas sa Southeast Asia (SEA) sa ‘vaccination rollout’.
Sa datos ng NTF, nakapagtala na ang Pilipinas ng 2,623,093 doses na naibigay sa publiko mula nang mag-umpisa ang ‘vaccination’ nitong Marso 1 gamit ang mga bakunang Sinovac, AstraZeneca at Sputnik V.
May ‘7-day average’ ang Pilipinas na 69,760 doses na naituturok sa ngayon habang nsa 35,933 doses ang daily average mula nang um-pisahan ng pamahalaan ang vaccination.
Nangunguna sa SEA ang Indonesia na nag-umpisa ng vaccination noong Enero 13 at mayroon nang kabuuang 22.6 milyong doses na naiturok habang pangalawa ang Singapore na may 3.13 milyong doses nang naibigay mula nang mag-umpisa ang kanilang vaccination noong Disyembre 30, 2020.
Sa buong mundo, nakaupo ang Pilipinas sa rank 41 sa 195 bansa habang pang-15 rin ito sa 47 bansa sa Asya.
Ang ‘focus area’ ngayon ng NTF sa vaccination ay ang National Capital Region kasama ang mga katabing lalawigan ng Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas at Rizal na may alokasyon na 3.3 milyong doses kkada buwan.
Kasama rin sa ‘focus area’ ang Metro Cebu at Metro Davao na may alokasyon na 400,000 doses ng bakuna kada buwan. (Daris Jose)
-
IMMIGRATION MODERNIZATION ACT, IPASA NA
MISMONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang humikayat na sa mga mambabatas na ipasa na ang Immigration Modernization Act, kapalit ng 82-taon nang lumang immigration law. Sa kanyang second State of the Nation address, inulit ni Pangulong Bongbong na kinakailangan nang ipasa ang bagong batas. Nagpapasalamat naman ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco […]
-
Mga pinauwing Pinoy crew ng Japan cruise, hindi mawawalan ng trabaho: DOLE
Walang Pinoy crew ng MV Diamond Princess ang mawawalan ng trabaho. Ito ang tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga pinauwing mga Pinoy mula sa nasabing cruise sa Japan na sasailalim naman sa 14 days quarantine sa New Clark City sa Tarlac. Ayon sa kalihim, agad na ihahanda ang kanilang redeployment sa […]
-
Na-sad din sa last shooting day ng MMFF movie: SHARON, sobrang na-touch sa pagiging thoughtful ni ALDEN
SOBRANG na-touch si Sharon Cuneta sa ka-sweet-an ni Alden Richards. Sa last shooting day ng kanilang MMFF entry na ‘A Mother and Son’s Story,’ binigyan ni Alden si Sharon ng white orchids. Mababasa sa kanyang sweet message sa kasamang card… “Mama, “It’s our last day… I’m very blessed have known you. “Thank […]