Pinas, pag-aaralan ang COVID-19 vaccination para sa mga kabataang 5 taon pababa
- Published on June 25, 2022
- by @peoplesbalita
PAG-AARALAN ng Pilipinas ang posibleng pagbabakuna sa mga kabataan na 5 taon pababa laban sa COVID-19.
“Aaralin nang husto. Depends sa studies abroad and if may vaccines although some include below 5 years old. We will see sino may EUA (emergency use authorization) at ano ire-recommend ng HTAC (Health Technology Assessment Council),” ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Myrna Cabotaje.
Ayon sa Reuters, nagsimula na ang Estados Unidos na bakunahan ang mga kabataan na hanggang sa anim na buwan matapos na payagan ng Food and Drug Administration (FDA) ng US ang Moderna para sa mga kabataan na may edad na anim na buwan hanggang limang taon at Pfizer para sa mga kabataan na anim na buwan hanggang apat na taon.
Sinabi ni Cabotaje na ang vaccine program ng bansa ay “already in place” para sa incoming administration.
Gayunman, sinabi nito na mayroong pangangailangan na itaguyod ang pagbabakuna ng booster shots at ng primary series.
“Need to advocate for boosters and those who have not received their primary doses. Need to see if vax will be available for below 5 years old and what will be given EUA & HTAC recommendation,” ani Cabotaje.
“Baka ito ang ma-procure later unless may donations tayo from COVAX & other bilateral partners. Otherwise, we have sufficient vaccines given the jab rates natin now,” dagdag na pahayag nito.
Kamakailan lamang, sinimulan na ng Pilipinas na i-rolled out ang booster dose vaccination para sa immunocompromised children na may edad na 12 hanggang 17 taong gulang.
Sinabi ng mga awtoridad na ang pagbabakuna sa natitirang “age group” ay magsisimula matapos ang ilang araw.
“As of June 20,” nakapagbakuna ang Pilipinas ng maghigit sa 70 milyong Filipino o 77.85% ng target population.
Samantala, mahigit sa 9.5 milyong adolescents na may edad na 12 hanggang 17 at 3.3 milyong kabataan na may edad na 5 hanggang 11 ang fully vaccinated. (Daris Jose)
-
Sec. Duque, may karapatan sa due process sa harap ng ibinabatong akusasyon laban sa kanya
HINDI dapat ipagkait kay DOH Secretary Francisco Duque lll ang karapatan nito na mabigyan ng due process sa gitna ng mga kinakaharap nitong kontrobersiya. Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa polisiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na amoy pa lang ng korupsiyon ay may ipapataw ng aksiyon sa mga nadadawit sa iregularidad. […]
-
Malaking bagay na matagumpay ang comeback serye niya: KYLIE, nakapag-move-on at naka-recover na sa role ni ‘Bolera’
MASAYANG-MASAYA ang Kapuso actress na si Kylie Padilla. Kahit na nasa huling Linggo na ang kanyang GMA Telebabad serye, ang “Bolera,” masasabing nagsimula at magtatapos ito ng mataas ang rating at isa sa matagumpay na primetime series ng GMA. At comeback din ito ni Kylie sa telebisyon kaya malaking bagay talaga para sa […]
-
Lalaki umakyat sa poste ng ilaw sa Navotas
NABULABOG ang tulog ng mga residente sa isang barangay sa Navotas City nang tatlong oras na mawalan ng supply ng kuryente matapos umakyat sa tuktok ng poste ng kuryente ang isang lalaki, Martes ng madaling araw. Napuwersang putulin pansamantala ng Meralco ang supply ng kuryente sa kahabaan ng M. Naval St. Brgy. Sipac […]