Sec. Duque, may karapatan sa due process sa harap ng ibinabatong akusasyon laban sa kanya
- Published on August 21, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI dapat ipagkait kay DOH Secretary Francisco Duque lll ang karapatan nito na mabigyan ng due process sa gitna ng mga kinakaharap nitong kontrobersiya.
Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa polisiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na amoy pa lang ng korupsiyon ay may ipapataw ng aksiyon sa mga nadadawit sa iregularidad.
Ani Sec. Roque, kahit sino naman ay may karapatan sa due process at mula duon ay maaaring madetermina kung may kinalaman nga ang isang akusado sa isang ibinabato ditong alegasyon.
“Well, I think everyone is accorded the right to due process and that’s why he created the task force ‘no,” ayon kay Sec. Roque.
Sa katunayan ay ito aniya ang dahilan kaya nagpabuo ng Task Force ang Chief Executive na sisilip sa mga isinasangkot sa PHILHEALTH controversy na nito lamang nakaraang hearing sa Senado ay tinawag na Godfather of PHILHEALTH Mafia si Duque.
Batay na rin ito sa deskripsiyon ni dating PHILHEALTH anti-fraud officer Thorrsson Montes Keith. (Daris Jose)