• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, patuloy na ipoprotesta ang “illegal’ na presensiya ng China sa WPS

HINDI titigil ang gobyerno ng Pilipinas na maghain ng protesta laban sa ilegal na presensiya ng China sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Sa katunayan, nakapaghain na ang Pilipinas ng 77 protesta laban sa China, kabilang na ang 10 na protesta ngayong taon, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

 

 

“The Philippines continues to protest China’s persistent and illegal presence in the Philippine waters, including those near Ayungin Shoal,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Ma. Teresita Daza.

 

 

Nauna rito, hinikayat ni Senadora Risa Hontiveros ang DFA na magsulong ng updated security agreements sa iba’t ibang bansa na makakatulong sa pagtatanggol sa Pilipinas mula sa patuloy na pananalakay ng China.

 

 

“Kailangan nating gamitin ang lahat ng posibleng paraan para ipagtanggol ang Pilipinas mula sa mapangahas na aksyon ng China. Magsisilbing defensive framework ang security agreement na magbibigay-daan sa joint patrols at pagsasanay ng ating militar. Bahagi ito ng paghahanda sakaling lumala ang tensyon,” sabi ni Hontiveros.

 

 

“Araw-araw na ang pang-haharass at pambubully ng Tsina sa ating mga mangingisda at mga coast guard. We cannot do nothing,” dagdag pa niya.

 

 

Sa isang security conference sa Germany, sinabi ni DFA Secretary Enrique Manalo na nangyayari araw-araw ang panggigipit sa mga mangingisdang Pilipino at mga tauhan ng coast guard. Nanawagan siya sa United Nations na tulungang itaas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pagtataguyod ng UNCLOS at pagpapanatili ng kaayusan sa ating mga karagatan.

 

 

Matatandang, inakusahan ng Pilipinas ang Chinese coast guard na pinatamaan ng military-grade laser ang isang coast guard ship ng Pilipinas at panandaliang nabulag ang ilan sa crew nito sa pinag-aagawang South China Sea, tinawag ito na isang “tahasang” paglabag sa karapatan ng Maynila.

 

 

Ang barko ng Tsina ay mapanganib na nagmaniobra ng sobrang lapit, mga 137 na metro (448 feet), para harangan ang Philippine patrol vessel na BRP Malapascua mula sa paglapit sa Second Thomas Shoal, isang nakalubog na reef na inookupahan ng puwersa ng Pilipinas, noong Pebrero 6, sinabi ng Philippine coast guard sa isang pahayag.

 

 

Nagsampa ang Pilipinas ng halos 200 na diplomatikong protesta laban sa mga agresibong aksyon ng Tsina sa pinag-aagawang bahagi ng karagatan noong 2022 lamang. (Daris Jose)

Other News
  • LTO, nagpaliwanag kaugnay ng malapit nang maubos na driver license card

    NAGPALIWANAG ang pamunuan ng Land Transportation Office kaugnay ng nagkakaubusang drivers license card para sa mga kumukuha ng lisensya.     Ayon sa kay Land Transportation Office Chief Jay Art Tugade, hindi na hawak ng kanilang ahensya ang procurement nitong license card.     Sa bisa ng special order ng Department of Transportation nitong January, […]

  • Tagatangkilik ng USTe nag-alsa balutan na rin

    KATULAD ng ibang nagpulasang mga tigre ng University of Santo Tomas men’s basketball team, umalpas na rin tagasuportang Ironcon Builders para sa Growling Tigers sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).   Hindi na magkakaloob ng tulong sa koponan ang kompanya dahil sa pagbibitiw na ni coach Aldin Ayo na binabagan ng indefinite suspension […]

  • PBBM, namahagi ng bigas sa mga benepisaryo ng 4Ps sa Maynila

    BILANG  bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan  na makapagbigay ng sapat na suplay ng bigas sa bawat filipino, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pamamahagi ng parte  ng nakumpiskang  smuggled rice sa 1,000 residente sa San Andres, Manila, araw ng Martes.     “Bilang patunay na ang pamahalaan ay seryoso sa pagsugpo ng smuggling – […]