• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, pinag-aaralang mabuti ang “best booster shot” para sa Sinopharm vaccinees

HINIHINTAY pa rin ng gobyerno ng Pilipinas ang data na gagamitin para sa rekomendasyon ng “best booster shots” para sa mga indibidwal na nakatanggap ng Sinopharm coronavirus vaccines bilang initial doses.

 

 

Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na wala pang sapat na impormasyon mula sa mga manufacturers ng bakuna sa kung ano ang brands ang maaaring gamitin bilang booster doses para sa mga nakakuha ng Chinese-made vaccine bilang kanilang primary dose series.

 

 

Maging ang Department of Health ay umamin na walang available na data maging sa “abroad and in the country and even from Sinopharm” ukol sa usaping ito.

 

 

Sa kabila nito, nagpapatuloy naman ang pag-uusap sa pagitan ng National Vaccination Operations Center (NVOC) at manufacturers ng Sinopharm.

 

 

“Tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap at paghingi natin ng additional data and information from the manufacturers ng Sinopharm para sa lalong madaling panahon ay makakapagbigay na ng abiso ang ating NVOC kung ano ung pinaka-mainam na booster shots para sa mga nakapag-kumpleto na ng two doses ng Sinopharm,” ayon kay Nograles.

 

 

Sa kabilang dako, nakatanggap na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Sinopharm bilang kanyang booster dose, kaparehong brand ng bakuna na itinurok sa kanya bilang kanyang primary series.

 

 

Wala naman itong naranasan na anumang masamang epekto.

 

 

“Wala naman pong masamang epektong naidulot sapagkat alam namin, again, itong mga bakuna ni Pangulong Duterte ay something between him and his personal physician,” aniya pa rin.

Other News
  • SYLVIA, ‘di makapaniwala na magiging endorser ng ‘Bench’ at kasama pa ang anak; naulit ang pangarap na billboards after ng ‘Beautederm’

    NATUTUNGHAYAN na this week ang back story ni Barang, ang kinaaaliwan at minamahal na character sa Huwag Kang Mangamba na mahusay na ginagampanan ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez.     Isa ito talaga sa inaabangan namin, na for sure, maraming masasagot at mabubunyag tungkol sa kanyang pagkatao na sinusubaybayan ng manonood sa Kapamilya […]

  • Half-Pinay netter pasok sa US Open quarters

    Gumagawa ng ingay ang isang half-Pinay tennis player sa prestihiyosong US Open na ginaganap sa New York City.     Muling nagpasiklab si Filipino-Canadian Leylah Fernandez matapos patalsikin si 2016 US Open champion Angelique Kerber ng Germany, 4, 4-6, 7-6 (5), 6-2, upang makapasok sa quarterfinals ng naturang Grand Slam kahapon.     Kaya naman […]

  • Pagbabalik ng Governor’s Cup inaayos na ng PBA

    PINAPLANO na ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) kung paano nito itutuloy ang naudlot na PBA Season 46 Governors’ Cup.     Tengga muna ang liga dahil patuloy na lumolobo ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19).     Kaya naman habang naghihintay, nag-iisip na ng iba’t ibang paraan ang PBA para sa […]