• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, pinag-iisipan na itaas ang alert level sa ilang lugar sa Israel

PINAG-IISIPAN ng  Department of Foreign Affairs (DFA) na itaas ang  alert level sa ilang lugar sa Isarel na kasalukuyang nahaharap sa giyera sa Hamas. 
“Maaari sigurong gawin by level, by area. Doon Alert Level 3, doon Alert Level 2 after the discussion with the President,” ayon kay Undersecretary Eduardo De Vega.
Sa ngayon, nasa  Alert Level 2 ng DFA ang Israel.
Wala pa ring napauuwi sa Pilipinas subalit wala namang  deployment  ng mga bagong tanggap o hire na mga  manggagawang Filipino.
Ang Alert Level 3 ay nangangailangan na ng  voluntary repatriation.
Sa ulat, may mga pinoy workers na ang nagsasabi na nagsisimula nang maapektuhan ang kanilang mental health dahil sa tunog pa lamang ng sirena ay kinakabahan na sila at natatakot.
Samantala, may ilang OFWs naman sa Gaza ang napaulat na nagtungo na sa Rafah Border Crossing sa pag-asang payagan silang makapasok sa  Egypt.  (Daris Jose)
Other News
  • No unloading incidents sa MRT 3 ngayon tumataas na ang ridership

    WALANG naitalang unloading incidents sa Metro Rail Transit 3 simula pa noong nakaraang taon habang tumataas naman ang bilang ng mga pasahero nito.     “MRT 3 has been hitting more than 350,000 weekday ridership for now beginning May 25 with the highest at 370,276 passengers recorded last June 6 and yet no unloading incidents […]

  • Pinas, pinag-aaralang mabuti ang “best booster shot” para sa Sinopharm vaccinees

    HINIHINTAY pa rin ng gobyerno ng Pilipinas ang data na gagamitin para sa rekomendasyon ng “best booster shots” para sa mga indibidwal na nakatanggap ng Sinopharm coronavirus vaccines bilang initial doses.     Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na wala pang sapat na impormasyon mula sa mga manufacturers ng bakuna […]

  • RONNIE at LOISA, nawala na rin sa teleseryeng ‘Cara Y Cruz’

    TAHIMIK at hindi kami sinasagot nang tinanong namin kung bakit nawala na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa teleseryeng Cara Y Cruz na binago na ang titulo, Bagong Umaga na base na rin sa tweet ng Entertainment head ng Kapamilya network na si Direk Laurenti Dyogi.   “Soon this October, starring Tony Labrusca and […]