Pinas, planong gamitin ang mining revenues para sa Maharlika Investment Fund
- Published on January 20, 2023
- by @peoplesbalita
PLANO ng Pilipinas na tapikin ang mining industry para tumulong na suportahan ang nililikhang sovereign wealth fund.
Habang sinimulan na ng 18-member government delegation ang World Economic Forum annual meetings hinggil sa global pitch para sa Maharlika Investment Fund (MIF), Ipinaliwanag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang konsepto ng sovereign wealth fund ay “ordinary” lamang sa ibang bansa dahil huhugutin dito ang pondo para sa long-term investments.
“For instance, oil-rich countries use excess money from their oil sales for such fund. Those kinds of assets are exhaustible so you need to set aside something for future generations,”ayon kay Diokno.
Samantala, nakapag-ambag naman na ang Philippine mining industry ng ₱102.3 billion sa domestic economy noong 2020 sa kabila ng mga hamon na bitbit ng COVID-19 pandemic, ang tantiya ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). (Daris Jose)
-
Ads April 25, 2023
-
Eleksiyon 2022, mapayapa sa pangkalahatan
NAGING mapayapa sa pangkalahatan ang pagdaraos ng 2022 national and local elections (NLE) sa bansa. Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ‘generally peaceful’ ang kanilang assessment sa May poll situation, sa simula pa lang ng election period noong Enero 9 hanggang aktuwal na araw ng halalan […]
-
P18 bilyong piso, nawawala kada araw – Malakanyang
HINDI na naitago pa ng Malakanyang ang kaakibat na hindi magandang epekto kung patatagalin pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) lalo na sa National Capital Region. Ito’y sa kabila ng wala pa namang pasiya sa kung ano ang susunod na quarantine protocol na ipatutupad sa Agosto 18. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, […]