Pinas, suportado ang UN Security Council ukol sa planong tigil-putukan sa Gaza
- Published on June 24, 2024
- by @peoplesbalita
PINURI ng Pilipinas ang resolusyon ng United Nations Security Council na sumusuporta sa three-phase ceasefire plan sa Gaza strip.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs na muling pinagtibay ng UN Resolution S/RES/2735 ang commitment ng UN sa kapayapaan at katatagan at ang bansa ay committed na magbigay ng kinakailangang pagsisikap para tumulong na makamit ang isang “peaceful resolution” sa Gaza.
“The prompt implementation of the measures is imperative to alleviate the suffering of innocent civilians caught in the crossfire… The country stands ready to contribute to initiatives that foster stability, security, and peace in the region,” ang nakasaad sa kalatas.
Ang UN S/RES/2735, in-adopt noong Hunyo 10, hinikayat ang ganap na pagpapatupad ng isang three-phase ceasefire deal para wakasan ang giyera sa pagitan ng Hamas at Israel sa Gaza.
Kabilang sa kasunduan ay ang ligtas na pagpapalaya sa mga hostages at bilanggo, withdrawal ng forces, pagbabalik ng mga namatay na nananatiling nasa Gaza Strip, epektibong distribusyon ng humanitarian assistance, at multi-year reconstruction plan” para sa Gaza.
Ang resolusyon ay in-adopt matapos ang 14 boto na pabor sa loob ng UN Security Council, habang nag-abstain naman ang Russian Federation. (Daris Jose)
-
Umabot sa higit 300K sa loob nang dalawang taon: ALMA, ‘di napigilang i-post ang photo ng kasambahay na nagnakaw
HINDI napigilan si Alma Concepcion na i-post sa kanyang Facebook account ang photo ng kanilang kasambahay na nagnakaw sa kanila. Ayon sa former beauty queen, napaamin niya ang kasambahay sa ginawa nito sa kanyang pamilya. Sa ginawang pag-iimbestiga ni Alma, dalawang taon na raw silang pinagnanakawan ng kanilang kasambahay. Umabot daw […]
-
DSWD may P581-M standby funds pa
Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroon pa itong mahigit P581-million standby at stockpile funds para ipangdagdag sa resources ng mga lokal na pamahalaan na labis na naapektuhan ng coronavirus disease pandemic. Ayon kay DSWD Secretary Rolando Joselito D. Bautista na mayroong sapat na resources ang ahensya para tulungan […]
-
PSC problemado sa P1.6B unliquidated ng mga NSA
SULIRANIN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lumolobong unliquidated accounts hindi lang mula sa mga national sports association (NSA) kundi sa mga pribadong ahensiya na inayudahan. Base sa listahan ng PSC Audit Miyerkoles, nasa P1,678,760,323.02 ang mga unliquidated account sapul pa noong Disyembre 31, 2020. Nasa tuktok ng listahan ang nangasiwa […]