Pinas, target na makapagrehistro, makapagbigay ng serbisyo sa mga ‘stateless Pinoy’ sa Sabah
- Published on February 16, 2024
- by @peoplesbalita
TARGET ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur na makapagrehistro ng 550,000 “stateless” Filipino sa Sabah, at sa kalaunan ay makapagbigay sa mga ito ng serbisyo na available para sa mga mamamayang Filipino.
Tinatayang may 770,000 Filipino sa Sabah, 550,000 mulasa bilang ng mga ito ay undocumented, ayon kay Filipino citizens, the Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega.
“The embassy provides no timeline. It is an ongoing project that will take years. We do not have a permanent office in Sabah,” ayon kay de Vega.
Sinabi pa ni De Vega na karamihan sa mga undocumented nationals ay kulang sa identification documents.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Philippine Ambassador-designate to Malaysia Maria Angela Ponce na ang embahada ay nagpadala ng misyon para makapagbigay ng civil registry services sa lahat ng mga Filipino sa lugar.
Tinuran nito na sa ilalim ng Malaysian laws,ang mga indibiduwal na hindi Malaysian nationals o permanent residents ay hindi makakapag- access ng edukasyon doon, dahilan upang ang embahada ay makipagtulungan sa non-government organizations para makapagbigay sa mga ito ng alternatibong learning centers.
Para sa health care, nakikipagtulungan na rin ang embahada sa Department of Health para makapagbigay ng basic health services sa mga ito. (Daris Jose)
-
AFP kinalma ang publiko kaugnay sa terror plot ng Hamas sa Pilipinas
GUMAGALAW na rin sa ngayon ang intelligence community ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa napaulat na terror attack ng kilalang international terrorist group na Hamas sa Pilipinas. Nakikipag-ugnayan na rin ang AFP sa PNP kaugnay sa nasabing intel report. Ibinunyag kasi ng PNP kamakailan na may isang Fares […]
-
Pinas bagsak sa global standard sa Science, Math
NAPAG-IWANAN ang Pilipinas sa ‘global standards’ sa Science at Math dahil ‘flat zero’ ang DepEd sa pagbili at distribusyon ng Science at Math equipment packages sa mga estudyante at zero rin sa distribusyon ng TechVoc equipment packages. Ayon sa 2023 audit report ng Commission on Audit (COA), nabigo ang DepEd na makamtan […]
-
Umapela sa TikTok sa hanapin ang netizen: HEART, napikon sa komento na ‘wala kasing anak’ kaya maganda
HINDI naitago ng fashion icon at aktres na si Heart Evangelista ang pagkapikon sa isang netizen na nag-comment sa kanyang TikTok account. Nag-comment ang TikTok user ng, “wala kasing anak” sa recent video ni Heart, at hindi nga ito pinalampas ng Kapuso star at sinagot ang naturang komento. “Wait lang ha, […]