Pinas, Tsina umabot na sa ‘provisional arrangement’ ukol sa Ayungin missions
- Published on July 25, 2024
- by @peoplesbalita
KAPWA nagkasundo ang Pilipinas at Tsina sa isang “provisional arrangement” sa rotation and resupply (RORE) missions sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kapuwa sumang-ayon ang magkabilang panig na ang kasunduan “will not prejudice each other’s positions in the South China Sea.”
“The Philippines and the People’s Republic of China have reached an understanding on the provisional arrangement for the resupply of daily necessities and rotation missions to the BRP Sierra Madre in Ayungin Shoal,” ayon sa DFA.
Kapwa naman kinikilala ng dalawang bansa ang pangangailangan na ‘i-de-escalate’ ang situwasyon sa South China Sea at pangasiwaan ang pagkakaiba sa pamamagitan ng dayalogo at konsultasyon.
Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ang DFA ng nilalaman ng kasunduan.
Ginawa ang kasunduan kasunod ng serye ng konsultasyon sa panig ng tsino, kasunod ng constructive discussions sa 9th Bilateral Consultation Mechanism meeting sa South China Sea noong Hulyo 2.
Ito naman ang unang normal na hakbang na napagkasunduan ng magkabilang panig hinggil sa Ayungin Shoal. (Daris Jose)
-
25k katao na pinaghihinalaang may Covid-19, matagumpay na na-isolate ng gobyerno
MATAGUMPAY na na-isolate ng pamahalaan ang mahigit sa 25,000 katao na pinaghihinalaang mayroong COVID-19. Layon nito na mapigil ang pagkalat ng nasabing sakit. Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Sec. Carlito Galvez, chief implementer of the country’s national plan against COVID-19, na may kabuuang 25,430 […]
-
OFW hospital itatayo na, DOFW Bill isusunod
PINANGUNAHAN ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang groundbreaking ceremony ng itatayong kauna-unahang overseas Filipino workers (OFW) Hospital sa bansa na makikita sa San Fernando City, Pampanga kasabay ng pagtiyak na patuloy niyang itinutulak ang pagpapasa ng batas na layong magbuo ng isang departamentong tututok sa pangangailangan at hinaing ng OFWs. Ayon kay Sen. […]
-
P2.8B, ipinalabas ng DBM para sa pagkuha ng firetrucks, emergency vehicle ng BFP
IPINALABAS ng Department of Budget and Management (DBM) ang kabuuang P2.880 billion para sa Bureau of Fire Protection (BFP) para pambili ng 300 firetrucks at emergency vehicles na naaayon sa nagpapatuloy sa ‘modernization efforts’ nito. Inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas sa Special Allotment Release Order (SARO) para sa pagpopondo noong Mayo 10, […]