Pinas, US, hindi pinag-usapan ang mga bagong EDCA sites- Romualdez
- Published on May 9, 2023
- by @peoplesbalita
ITINIGIL ng Pilipinas at Estados Unidos ang pag-uusap hinggil sa pag-identify ng mga bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.
Pinag-uusapan ngayon ng dalawang bansa kung paano gagamitin ang 9 na umiiral na sites sa bansa.
Sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez na nagsimulang pagtuunan ng pansin ng Maynila at Washington ang paghahanda para sa eventualities o mga pangyayari kung saan ito ang dahilan kung bakit kapit-bisig ang dalawang bansa na palakasin ang kanilang military alliance.
“A lot of these sites have been chosen because of disaster preparedness, which is very important…that’s one point,” ayon kay Romualdez sa isang panayam.
“They [The US] are putting a lot of their assets in those identified sites for us to be prepared, or when we can use these sites for deployment of all of these things for any disaster that might happen,” dagdag na pahayag nito.
Taliwas sa sinabi ng China, ang Pilipinas at ang Estados Unidos ay “are not putting these sites directed against any country.”
“These are for us for our defense strategy,” ayon pa rin kay Romualdez.
Buwan ng Abril, pinayagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng access ang US troops sa apat na karagdagang Philippine sites.
Ang apat na bagong sites ay ang Naval Base Camilo Osias sa Santa Ana, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; Balabac Island sa Palawan; at Lal-lo Airport sa Cagayan.
Makakasama ang mga ito sa limang umiiral na EDCA na “accessible” para sa joint operations sa pagitan ng tropa ng Pilipinas at American troops. Ang mga ito ay Fort Magsaysay sa Nueva Ecija; Basa Air Base sa Pampanga; Antonio Bautista Air Base sa Palawan; Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu; at Lumbia Air Base sa Cagayan De Oro.
Ayon sa Pentagon, ang bagong mga lokasyon ay makapagpapalakas sa “interoperability” ng US at Philippine Armed Forces at payagan ang mga ito na “to respond more seamlessly together to address a range of shared challenges in the Indo-Pacific region, including natural and humanitarian disasters.” (Daris Jose)
-
Top 2 most wanted person ng Malabon, nalambat
ISINELDA ang 25-anyos na delivery rider na listed bilang top 2 most wanted sa kasong pagpatay matapos mabitag ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si Roderick Jr, Santos alyas Roderick Santos, 25, delivery rider, at residente […]
-
Movie nina DANIEL at CHARO, magku-compete sa ‘74th Locarno Film Festival’ sa Switzerland
ANG first feature film ni Carlo Francisco Manatad na Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) ay kabilang sa official selection ng ika-74 na Locarno Film Festival sa Switzerland, kung saan magkakaroon ito ng world premiere sa Concorso Cineasti del Presente (Filmmakers of the Present) section. Ang Kun Maupay Man […]
-
‘Ngipin sa pagpatupad ng SIM registration law, susi vs online fraud’
ANG Subscriber Identity Module (SIM) registration ay nagtutukoy lamang ng pagkakakilanlan ng may-ari ng SIM cards upang matiyak ang pagtunton sa mga dapat papanagutin kapag ginamit ang mga ito sa paggawa ng cybercrimes. “And it is only the first step towards an intricate and highly technical approaches which aimed at curbing online scams,” […]