• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas walang naitalang COVID-19 surge – OCTA

ISANG linggo matapos ang  isinagawang 2022 elections , inihayag ng OCTA Research Group na wala pang naitatalang panibagong COVID-19 surge sa bansa.

 

 

Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David sa Laging Handa public briefing nitong Lunes, na bagama’t nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng bilang ng CO­VID-19 cases, ito ay bumaba rin naman.

 

 

“Wala pa tayong nakikitang increase ng cases doon sa campaign rallies, sorties. February pa tayo nagkaroon ng campaigns, wala pa namang nagkakaroon ng pagtaas ng kaso na talagang sustained,” paliwanag niya.

 

 

“May nagsasabi na maghintay pa tayo up to two weeks. So far wala pa naman tayong nakikitang indication na may clustering of cases dahil doon sa recent elections natin noong May 9,” dagdag pa niya.

 

 

Una nang inianunsiyo ng Malacañang nitong ­we­e­kend na ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay mananatili sa Alert Level 1 hanggang sa katapusan ng buwang ito.

 

 

Pinaburan naman ito ni David dahil wala naman silang nakikitang anumang banta na muling magkaroon ng surge ng COVID-19 sa kabila nang kumpirmasyong nakapasok na sa Pilipinas ang Omicron subvariant BA.2.12.1. (Daris Jose)

Other News
  • Sentimyento ni Santiago

    NAKAHANDANG harapin ni volleyball star Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang lahat ng pagsubok na darating pa sa kanyang buhay at playing career.   Ikinuwento ng balibolistang Pinay sa Fivb.com ang naging karera niya sa Japan bilang import ng Saitama Ageo Medics sa Japan V.Premier League.   “Ending the season with a podium finish in the […]

  • DOT sa mga awtoridad, tugunan ang “excess tourist arrivals” sa Boracay

    NAGPASAKLOLO na ang Department of Tourism (DOT) sa government authorities matapos na mabigo ang Boracay local government na kontrolin ang bilang ng mga turista.     Lumampas na kasi ang bilang sa kapasidad na dapat lamang sa itinakda sa Boracay sa panahon ng Semana Santa.     Sa isang kalatas, sinabi ng DOT na ipinagbigay-alam […]

  • Followers ni BEA, nagri-request ng isang episode kasama si DOMINIC sa kanyang YouTube channel

    PAGDATING nina Bea Alonzo at Dominic Roque mula sa bakasyon sa America, expected na kapag humarap sila sa press, ang tungkol sa relasyon na nila ang uuriratin.     Mula sa mahigpit na yakap ni Bea kay Dominic na lumabas sa social media, ang kasunod naman ay ang post na hinahalikan ni Dominic si Bea. […]