• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinasalamatan ni Marian ang Fil-Am popstar: ZIA, nag-enjoy nang husto sa concert ni OLIVIA RODRIGO

HINDI talaga maitatago ang sobrang kaligayahan ng unica hija nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes, na isa sa libu-libong kabataan na nanood ng “Guts World Tour” concert ni Olivia Rodrigo noong Sabado sa Philippine Arena sa Bulacan.Sa Instagram post ni Kapuso Primetime Queen, ibinahagi niya ang video ni Zia na tuwang-tuwang naki-sing along habang kumakanta si Olivia.Caption ni Marian, “Kung saan ka masaya, anak, nandito lang kami para suportahan ka!” “We love you!”

 

 

Hindi rin nakalimutan ni Marian na magpasalamat sa sikat na Film-Am popstar na nagpasikat ng “Driver’s License”.

 

 

Say ng wifey ni Dong, “Olivia, salamat pinasaya mo si ate Zia!”

 

 

Kitang-kita nga ang reaction ni Zia nang kumaway si Olivia sa kinaroroonan nila at sabay sabing, “Hi up there!”

 

 

Na nagpakilig sa mga manonood.

 

 

At nabanggit naman ni Zia kay Marian na parang, “Mama, she said hi to me.”

 

 

Ang sold-out show concert ni Olivia last Saturday sa Philippine Arena, na sa kabila ng hatid na kasiyahan ay muling nagdulot ng trapik sa NLEX, simula hapon hanggang hatinggabi.

 

 

***

 

 

NAGBIGAY nga payo ang actress-politician na si Aiko Melendez sa mga kapwa-artista na kakandidato sa 2025 midterm elections, na nagnanais magkapuwesto at makatulong sa mga tao.

 

 

Sa kanyang Facebook post, say ni Aiko, “Payo sa mga kapwa ko artista nagnanais tumakbo sa public service/ Politics. Lahat naman tayo me puso sa pagtulong but it is also best na kapag papasok sa larangan or posisyon na ninanais niyo alamin din ang trabaho at talagang ginagawa.

 

 

“Like for me nung unang pinasok ko ang pagiging konsehal nag crash course muna ako sa UP-NCPAG for legislative work. Kasi hindi lang naman puro pagtulong ang ginagawa ng isang konsehal.

 

Nagpapasa din ito ng mga batas at resolutions sa sinasasakupan mo.

 

 

“So let not be your name “as an artista” ang maging bala ninyo. It is best to know what you are getting into.”

 

 

Dagdag pa niya, “kasi buhay ng tao ang at stake dito. Lahat naman natutunan at mapag aaralan pero isapuso ninyo ang pagpasok sa pulitika kasi nakakaaawa na mga tao na lagi nalang nagiging sabik sa totoong motibo at serbisyo mula sa atin mga artista. 💚.png Para na din mas madami ang magtiwala sa ating mga artista na nagtratrabaho ng maigi para sa tao.”

 

Ilan nga sa mga celebrities na naunang nag-file ng certificate candidacy ay sina Phillip Salvador, Arjo Atayde, Alfred Vargas, Luis Manzano, Marco Gumabao, Ion Perez, Enzo Pineda, Wendell Ramos, at ang content creator na si Rosmar Tan.

 

Muli namang tatakbo sina Vilma Santos, Manny Pacquiao, Arjo Atayde, Alfred Vargas, mag-inang Lani Mercado-Revilla at Jolo Revilla, mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez, Yul Servo at marami pang iba.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Nag-iwan sa Pinas ng P481 milyong halaga ng pinsala: Julian’, umalis na ng Pinas

    LUMABAS na sa Pilipinas ang Supertyphoon “Julian” (international name: Krathon) .   Sa paglabas sa bansa ni Julian ay nag-iwan naman ito ng limang kataong patay at dahilan ng pinsala sa agriculture sector na umabot sa P481.27 milyon ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).   Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and […]

  • Pacquiao kontra Garcia konting kendeng na lang

    LUMALAKAS ang alingawngaw para sa napipintong banatan nina eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel Pacquiao at World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia ng Estados Unidos sa taong ito.     Mismong ang ama na si Henry Garcia ang atat na sagupain ng 22 taong-gulang, 5-10 ang taas at tubong California niyang […]

  • Ads August 19, 2023