Pinasilip ang script ng ‘Buybust 2’: ANNE, sa Thailand napiling mag-Holy Week kasama ang mag-ama
- Published on April 12, 2023
- by @peoplesbalita
SA Thailand napili ng mag-asawang Anne Curtis at Erwann Heussaff na magbakasyon nitong Holy Week.
Kasama siyempre ang kanilang anak na si Dahlia na at a very young age ay maituturing ng jetsetter.
Sa Phuket, Thailand kunsaan, nasa pool area si Anne, tila ni-reveal na nito ang kanyang pagbabalik pelikula. Habang naka-bakasyon, nagbabasa na ito ng script.
Sa Instagram caption ni Anne, nakalagay na, “Time to prep” at naka-tag ang director na si Erik Matti. Kapag zinoom ang script na may bold letter na “copy for Anne,” ay mababasa rito na ang title ng binabasa niyang script ay “Buybust: The Undesirables.”
Si Anne ang bida sa unang “Buybust” kaya natuwa ang mga followers niya na malamang siya pa rin ang gagawa ng sequel nito.
***
AMINADO sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na sa taping ng “Voltes V: Legacy” sila nagkakilala at ‘di-maikakailang nagka-develop-an talaga.
Ito talaga ang unang show na pinagtambalan nila sa GMA Network, pero dahil taon bago ito natapos at maipapalabas, nauna lang umere ang mga sumunod nilang shows.
Sabi nga ni Miguel, “Yes, dito kami nagkakilala and dahil hanggang last week, nag-taping pa kami, technically, dito ko pa rin siya mas nakikilala.
“So, hindi ko makakalimutan ang show na ito dahil sa relationship namin ni Ysabel, dito kami nagkakilala at nabuo ‘yung relationship namin.”
Si Ysabel naman, sabi niya, “Three years and dito ko po talaga nakilala si Miguel and mas lumalim din po ‘yon as time goes on.”
At dahil sila nga ang mga bagong magbibigay buhay sa mga tauhan ng ‘Voltes V’ ngayon, tinanong namin ang dalawa kung anong power ang gusto nila na meron ang isa para kahit hindi sila magkasama, magiging panatag sila na kaya nitong protektahan ang sarili.
“Para sa akin, although matalino talaga si Ysabel, Law student nga ‘yan. Para sa akin, intelligence times 100. Mapo-proteksyonan niya ang sarili niya kahit wala ako. Kung may gustong mang-harass sa kanya, makakaisip siya agad ng paraan,” sey ni Miguel.
Feeling naman daw ni Ysabel, kaya ni Miguel protektahan ang sarili kahit wala siya. Pero sabi niya rin na natatawa, “Siguro ang superpower na ibibigay ko sa kanya, maging magaling magluto at magtimpla ng kape para hindi na niya kailangang bumili sa labas.”
Sa isang banda, ang “Voltes V: Legacy” ay may chance na mapanood on a cinematic experience simula sa April 19 sa iba’t-ibang sinehan at maari ng makabili ng ticket sa mga SM Cinema app at SM Cinema ticket booths.
(ROSE GARCIA)
-
WHO IS “ARGYLLE”? GET TO KNOW THE CHARACTERS IN DIRECTOR MATTHEW VAUGHN’S LATEST ACTION-PACKED SPY MOVIE (Part 2)
AHEAD of the film’s opening on January 31, get to know the rest of the characters of “Argylle.” Take it from John Cena, who plays one of the book characters in the film. REAL WORLD (IN THE MOVIE) Ruth (Catherine O’Hara) Elly Conway’s long-suffering mother and de facto book editor, Ruth is proud of her […]
-
PAUL, aminadong mas nakaka-stress ang may lovelife
PINAGDIINAN ni Paul Salas na wala siyang lovelife. Huling na-link si Paul ay kay Taki Saito. Ang ex-girlfriend naman niyang si Barbie Imperial ay umaariba ulit sa lovelife dahil kay Diego Loyzaga. Sey pa ng Kapuso hunk na mas nakaka-stress daw ang magkaroon ng lovelife kesa sa trabaho. “Wala pong lovelife. Ang […]
-
P100K matatanggap ng magkakampeon sa chess
BINUKSAN na kahapon ang may tatlong araw na 4th annual Chooks-to-Go National Rapid Chess Championships 2021 na nilalaro via online. “The event aimed to develop good thinkers through the understanding of chess strategies and tactics,” ani Bounty Agro Ventures Inc. president at teneral manager Ronald Daniel Mascariñas. “The tournament is also a fund […]