• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinay boxer Pasuit, swak sa last 8 ng Olympics q’fiers

PASOK na sa last 8 sa Asiana-Oceania Boxing Qualification Tournament ng 2020 Olympics si Filipina boxer Riza Pasuit.

 

Ito ay matapos talunin ang Japanese boxer na si Saya Hamamoto ng women’s lightweight match Round-of-16 na gananap sa Amman, Jordan.

 

Sa simula pa lamang ay pinaulanan na ng suntok ni Pasuit ang Japanese boxer.

 

Nagawa pang makabawi sa huling round si Hamamoto subalit hindi na hinayaan pa ni Pasuit na makabangon pa ang kalaban.

 

Dahil sa panalo ay pasok na sa quarterfinal round si Pasuit na isang silver medalist.

 

Nauna rito pasok na rin sa quarterfinals si Nesthy Petecio ng talunin si Krismi Lankapuravalage ng Sri Lanka sa 5-0 victory.

 

Habang nakuha ni Ian Clark Bautista ang 3-2 panalo laban kay Hayato Tsutsumi ng Japan sa men’s feather weight bout.

Other News
  • Ayuda sa Abril 6 masisimulang maibigay – DILG

    Sa Martes, Abril 6, o sa Miyerkules, Abril 7, pa maaaring matanggap ng mga residente sa National Capital Region (NCR) Plus areas ang ayuda mula sa pamahalaan.       Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, maaring bukas pa kasi maibababa ng Bureau of Treasury ang pondo sa mga […]

  • Mga empleyadong 40-yr old pataas, ‘priority’ sa A4 vaccination – DOH

    Nilinaw ng Department of Health (DOH) na may susundin pa ring “prioritization” kapag nagsimula na ang COVID-19 vaccination sa A4 group o essential workers.     Ayon kay Health Usec. Leopoldo Vega, ituturing na priority sa vaccination ng essential workers ang mga manggagawang 40-years old pataas.     “Itong June na to, bibilisan ang A1 […]

  • WHO director Tedros muling nahalal sa puwesto

    MULING nahalal sa bilang director ng World Health Organization (WHO) si Tedros Adhanom Ghebreyesus.     Ito na ang pangalawang termino niya matapos ang procedural vote na siyang magiging solong nominado sa gaganaping leadership election sa Mayo.     Siya ang itinuturing na unang African leader na namuno sa WHO.     Sinabi nito na […]