Pinay gymnasts pumitas ng 3 ginto sa Hungary
- Published on December 18, 2020
- by @peoplesbalita
Sa pagkakataong ito, Pinay gymnasts naman ang nagpasiklab sa international scene matapos humakot ng tatlong ginto at dalawang pilak na medalya sa 2020 Santa’s Cup na idinaos sa Budapest, Hungary.
Nanguna sa kampanya ng Pilipinas si Southeast Asian Games champion Daniela Reggie Dela Pisa matapos kumana ng dalawang gintong medalya.
Pinagreynahan ni Dela Pisa ang hoop at clubs events sa women’s rhythmic gymnastics.
Si Dela Pisa ang bukod-tanging Pinay female gymnast na nakasungkit ng gintong medalya noong 2019 SEA Games sa Maynila.
Nasikwat nito ang korona sa hoop event — ang kauna-unahang ginto ng Pilipinas sa rhythmic gymnastics sa biennial meet.
Malalim din ang kuwento ni Dela Pisa na isang ovarian cancer survivor na naging inspirasyon nito upang ipagpatuloy ang laban sa buhay.
Sa kabilang banda, nag-ambag si Breanna Labadan ng isang ginto at dalawang pilak na medalya.
Nanguna si Labadan sa ball event habang nakasikwat din ito ng pilak sa ribbon at sa individual all-around.
Pinaghahandaan nina Dela Pisa at Labadan ang pagsabak nito sa 2021 SEA Games na idaraos sa Hanoi, Vietnam.
-
Kelot na nag-abandona sa pamilya, arestado sa Malabon
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 36-anyos na lalaki matapos arestuhin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest nang kasuhan siya ng dating kalive-in makaraang mabigong sustentuhan ang lima nilang anak sa Malabon City. Nagmakaawa pa si Mondido Rosales sa dating kalive-in na itinago sa pangalang “Gina” na patawarin na siya sa […]
-
Marawi bombing inako ng ISIS
INAKO ng terror group na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang pagsabog kamakalawa ng umaga sa Mindanao State University (MSU) na ikinasawi ng apat katao at ikinasugat ng nasa 50 iba pa habang isinasagawa ang misa. Sa isang communique, sinabi ng ISIS na miyembro nila ang nag-detonate ng bomba. Ito rin […]
-
DBM, inilunsad ang ‘Angat local PH’ para sa devolution info
INILUNSAD ng Department of Budget and Management (DBM), kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG), at Presidential Communications Operations Office (PCOO), ang “Angat Lokal PH’ Facebook page para ikasa at masimulan ang “awareness at information campaign on devolution” ng pamahalaan. Ang ‘Angat Lokal PH” FB page ay official social media platform […]