Pinay nag-silver sa archery
- Published on March 4, 2021
- by @peoplesbalita
SUMBLAY si Shirlyn Ligue ng World Archery Philippines (WAP) sa 543 points old world record ni Claire Xie ng USA sa women’s 60-arrow, 18-meter category, pero sinapol ang silver medal sa bare bow category ng Online Indoor Archery Series sa nagdaang linggo.
Kinapos lang ng isang puntos ang 30-anyos na grade school teacher ng Davao City at bet ng Davao Archery Club para sa nasabing marka na burado na ni Fatemeh Ghasempour ng Iran na naka-551 markers para sa women’s bare bow gold
“I just have to challenge myself,” bulalas kamakalawa ni Ligue. “And in archery I get the mental training. It’s my stress reliever.”
Ipinasok na ang naturang event ng World Archery Philippines (WAP) sa programa sa taong ito dahil sa ipinakita ni Ligue sa world archeryfest. Lalaruin na rin ang disiplina sa PH Archery Cup. (REC)
-
97 bagong Delta variant, natukoy
Umakyat na sa 216 ang kabuuang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas makaraang nasa 97 bagong kaso ang natuklasan ng Department of Health (DOH) sa pinakabagong ‘whole genome sequencing’. Sa 97 bagong kaso, 88 ang mga lokal na kaso, anim ang mga Returning Overseas Filipinos (ROF), at tatlo ang kasalukuyang bineberepika […]
-
Maharlika wealth funds ‘advantageous’ sa Pilipinas ayon kay PBBM
DINEPENSAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatayo ng Maharlika Wealth Fund na siyang magbibigay daw ng dagdag na investments sa bansa. Sa kanyang unang public statement sa kontrobersyal na bill, sinabi ng president na naniniwala siyang magiging “advantageous” ito sa bansa. “ For sure, I wouldn’t have brought it up otherwise.” […]
-
MPTC, SMC magsasagawa ng RFID “interoperability test”
Ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) at San Miguel Corp. group ay magsasagawa ng testing para sa “interoperability” ng kanilang radio frequency identification cashless toll payment systems na magiging parte ng kanilang plano na gumamit ng iisang RFID sticker sa lahat ng expressways. Nilagdaan noong December 4 ang isang kasunduan sa pagitan ng dalawang […]