• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz nakabawi, wagi pa rin ng gold medal sa 55kg women weightlifting

MULING nag-uwi ng Gold ang Olympics gold medalist  na si Hidilyn Diaz sa pagdepensa niya ng kanyang women’s 55 kgs weightlifting title kahapon Biyernes sa  31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Nagsimula ang laro ni Diaz dakong ala-1 ng hapon oras sa Pilipinas sa Hanoi Sports Training and Competition Center.

 

 

Sinabi ni Diaz na hind naging madali ang kanyang ginawang preparasyon.

 

 

Itinuring nito na matinding katunggali ang pambato ng Thailand na si Tanasan Sanikun dahil nagwagi ito ng gold medal noong 2016 Rio Olympics.

 

 

Tinalo niya si Diaz noon 53kg. category ng 2017 World Championships sa California.

 

 

Nasa Vietnam ang 31-anyos na si Diaz mula pa noong nakaraang linggo para doon isagawa ang kanyang training.

 

 

Mahigpit siyang binabantayan ng kaniyang head trainer na si Julius Naranjo, nutritionist Jeaneth Aro at sports psychologist Karen Trinidad.

Other News
  • PBBM, nakatuon sa pagtugon sa tumataas na presyo ng bigas- Malakanyang

    NANANATILING committed si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtugon sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na ang bigas.     Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na kasalukuyang tinitingnan ni Pangulong Marcos ang posibleng ugat ng dahilan ng pagsirit ng presyo ng bigas. “Sa food security, tinututukan […]

  • Rehab ng LRT 2 at extension nakaplano

    NAKAPLANO na ang P10 billion na proyekto ng pamahalaan para sa overhaul ng bagon ng Light Rail Transit Line 2 at ang pagkakaron ng extension ng linya hanggang Tondo sa Manila.   “We would entertain proposals from the private sector to rehabilitate the LRT 2 train cars, maintain the rail line, and expand it by […]

  • Arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila bumaba – OCTA

    Bumaba ang average number ng bagong COVID-19 case sa National Capital Region ng 23% o 1,023 batay sa ulat ng OCTA Research group.     Ang pagbaba ng kaso ay mula noong Mayo 20-26 na may average daily attack rate na 7.41.     Una nang naiulat ng OCTA na ang NCR ay uma­lagwa na […]