• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinay spikers palaban sa Hanoi SEAG

Pinagsamang beterano at bagitong players ang isasabak ng Pilipinas sa women’s volleyball competition ng 31st Southeast Asian Games na idaraos sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12 hanggang 23.

 

 

Bumabandera sa listahan sina middle blocker Jaja Santiago at outside hitter Alyssa Valdez na parehong may malalim na karanasan sa international tournaments.

 

 

 

Kasalukuyang nagla­laro si Santiago sa Japan V.League para sa Saitama Ageo Medics habang nakapaglaro na rin si Valdez sa ilang commercial clubs sa iba’t ibang bansa gaya ng Thailand at Taiwan.

 

 

 

Pasok din sa lineup si opposite hitter Mylene Paat na itinanghal na Best Scorer sa katatapos na Thailand Volleyball League sa Bangkok.

 

 

 

Nariyan din ang pangalan nina libero Kat  Arado at Dawn Macandili, middle blockers  Aby Maraño at Ria Meneses, at wing spiker Ces Molina.

 

 

 

Balik din sa lineup si Majoy  Baron na kamakailan lamang ay hindi napasama sa listahan ng national pool na inilabas ng asosasyon.

 

 

 

Bahagi rin sina Jema Galanza, Dell Palomata, Kat Tolentino, Deanna Wong, Iris Tolenada at mga bagitong sina Jelai Gajero at Casiey Dongallo.

 

 

 

Kapansin pansin ang pagkawala sa lineup nina Filipino-American Kalei Mau, wing spikers Dindin Santiago-Manabat at Kim Kianna Dy, gayundin sina playmakers Jia Morado at Jasmine Nabor.

 

 

 

Napaulat na liliban muna ang mga nabanggit na pla­yers sa national team duties.

 

 

 

Target ng Pinay Spi­kers na malampasan ang fourth-place finish nito noong 2019 SEA Games na ginanap sa Pilipinas.

 

 

 

Matatandaang noong 2005 edisyon pa huling nakapasok sa Top 3 ang Pilipinas sa women’s volleyball nang magtapos sa ikatlong puwesto ang koponang hinawakan ni veteran mentor Ramil de Jesus.

 

 

 

Nakaginto naman ang Pinay squad noong 1993 Singapore SEA Games nina Thelma Barina at Lenlen Escollante.

Other News
  • Pagdinig sa resulta ng Motorcycle (MC) Taxi Pilot Study, isinagawa

    NAGPULONG  nitong Martes ang Komite ng Transportasyon na pinamumunuan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop upang dinggin ang resulta ng Motorcycle (MC) Taxi Pilot Study mula sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO).     Isinalaysay ni Acop na nagsimula ang pag-aaral noong 2017 bilang anim na buwang programa para sa operasyon […]

  • Ibinuko ng director ng serye na labis na nag-alala: BIANCA at RURU, nagkatampuhan at nag-unfollow sa IG habang nagte-taping

    NAGKATAMPUHAN hanggang sa umabot sa pag-a-unfollow nila sa isa’t-isa sa Instagram ang magkasintahang Bianca Umali at Ruru Madrid.     Ito ay habang nagte-taping sila para sa bago nilang proyekto, ang ‘The Write One’ ng GMA at VIU Philippines.     Ang direktor ng show nila na si King Marc Baco ang nagbulgar nito.   […]

  • LTFRB binigyan ng extension ang PUB ng permits ngayon holiday season

    PINALAWIG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang validity ng special permits ng mga public utility buses (PUBs) upang matugunan ang inaasahang pagtaas ng bilang ng mga pasahero na maglalakbay papunting mga probinsya ngayong Kapaskuhan.       Sa isang Board Resolution No. 101-2023, sinabi ng LTFRB na ang duration ng special permit […]