• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinay tennis sensation Alex Eala, bigo kaagad sa Australian Open tournament

Maagang nabigo sa tennis tournament si Alex Eala sa kanyang pro grand slam debut sa Australia Open.

 

Ang Pinay tennis sensation na si Eala, ay nabigo ng kanyang kontra katunggali na si Misako Doi ng Japan sa qualifying match na tumagal ng 2 oras at 37 minuto.

 

Sa pagkapanalo ng Japan, makakaharap ni Doi si Laura Piggosi ng Brazil sa ikalawang round ng qualifiers.

 

Kaugnay niyan, bago ang Australian Open qualifiers, nakuha ni Eala ang second round loss sa W60 Canberra qualifiers noong nakaraang linggo laban kay Oksana Selekhmeteva, ang kanyang partner sa 2021 French Open girls grand slam doubles.

 

Dagdag dito, nasa ranked 215 ng Women’s Tennis Association (WTA) ang 17-anyos na si Alex Eala.

 

Una na rito, kasalukuyang may tatlong grand slam title si Alex Eala mula sa junior’s events na 2020 Australian Open doubles, 2021 French Open doubles, 2022 US Open singles at dalawang pro title 2021 W15 Manacor at 2022 W25 Chiang Rai. (CARD)

Other News
  • EL SHADDAI LEADER CALLS FOR UNITY BEHIND NATION’S LEADERS

    EL Shaddai leader Bro. Mike Velarde has called on Filipinos to unite behind the country’s next set of leaders to be elected in May.     He told his followers that the message of hope and unity the UniTeam tandem of former Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and Davao City Mayor Sara Duterte has been […]

  • PBA balik-aksiyon na sa Araneta

    Mga laro : (Araneta Coliseum) 3:00 pm – Meralco vs NLEX 6:00 pm – Magnolia vs TNT     ABALA ang TNT sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021-22 Governors Cup elimination round restart bago tulungan ang Gilas Pilipinas sa first window ng 2023 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers sa buwang ito […]

  • Partylist solon sa Roque statement na natalo ng PH ang prediction ng UP sa COVID cases: ‘Di na siya nahiya’

    Binatikos ni Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat ang aniya’y “napakainsensitibong” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tinalo na ng Pilipinas ang COVID-19 prediction ng University of the Philippines (UP).   Hindi na aniya nahiya si Roque na buong galak pa nitong sinasambit ang naturang pahayag gayong ang Pilipinas ay pangatlo sa may pinakamataas […]