Pinayuhan na mahalin muna ang kanyang sarili: CLAUDINE, wala pa rin lovelife ayon sa best friend na si JANELLE
- Published on November 10, 2023
- by @peoplesbalita
HINDI sinasadyang nabulabog ni Allen Dizon ang sementeryo nitong November 1.
Pumunta kasi siya sa sementeryo sa kanila sa Pampanga nitong Araw ng Mga Patay para magsindi ng kandila at ilawan ang puntod ng yumao niyang ama.
Pero nagulat siya dahil maraming tao ang lumapit sa kanya para magpapiktyur.
“Siguro halos lahat ng tao sa sementeryo pumunta dun so dalawang oras ako dun, tatlong oras, lahat nagpapapiktyur,” bulalas ni Allen.
“Wala akong choice, di ba? Kasi sa Pampanga mga kababayan mo sila, kilala mo halos lahat so hindi puwedeng, ‘Pahinga muna.’
“Hindi e, kailangan sa lahat ng nagpapapiktyur, papiktyur ka.
“So after three hours, sa puntod ng lola ko naman, ganun din, mas marami pa.
“Ako naman natutuwa ako in a way, pero nakakapagod din. Pero hindi puwedeng maging suplado ka, di ba?
“Nagulat ako, hindi alam ng mga tao na Kapampangan ako, akala nila taga-Manila ako! Akala nila Tagalog ako, nagulat sila kinakausap ko sila Kapampangan,” kuwento pa ni Allen.
Bunga ito ng popularidad ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ kung saan patuloy na lumalaki ang fan base ni Allen bilang si Dr. Carlos Benitez.
“Kahit saan ako pumunta ang tawag sa akin Doc Carlos.”
Si Allen ang bagong brand ambassador ng SMART Access Philippines na isang international consultancy na ahensiya na tumutulong sa mga nais mag-migrate at mag-aral sa Australia.
Simula pa 2014 ay tumutulong na ang SMART Access Philippines sa pag-aayos ng lahat ng kakailanganin, maging ang visa, ng mga nagnanais magkaroon o ipagpatuloy ang edukasyon sa Australia.
May apat na branches ito worldwide— sa Australia, Nepal, Pakistan at dito sa Pilipinas.
Present sa contract signing bukod kina Allen at manager niyang si Dennis Evangelista, ang SMART Access owner/founder/director na sina Bibhusan Joshi, at ng country manager na si Stephanie Lasig.
Bukod sa Abot Kamay Na Pangarap ay may mga bagong pelikula si Allen tulad ng Ligalig with National artist Nora Aunor (sa direksyon ni Topel Lee); ang Abenida (sa direksyon ni Louie Ignacio) kung saan nanalo siyang Best Actor sa International Imago Film Festival di Civitella del Tronto sa Italy; Pamilya Sa Dilim kasama sina Laurice Guillen, Sunshine Cruz at Teri Malvar (sa direksyon ni Jay Altarejos) at ang action film na Off-Load (sa direksyon ni Rommel Ricafort).
Tinatapos na rin ni Allen ang horror family drama na Poon kasama sina Janice de Belen, Ronaldo Valdez, Gina Pareno at Lotlot de Leon, at ang Acetylene Love with Cannes Best Actress Jaclyn Jose.
Magsasama rin sa isang mainstream na pelikula sina Allen at Carmina Villarroel (na co-star niya sa Abot Kamay Na Pangarap) na kukunan sa Australia early next year!
***
WALA raw lovelife si Claudine Barretto ngayon, ayon sa best friend ng aktres na si Janelle Jamer na nakatsikahan namin kamakailan.
“Wala,” umpisang sinabi sa amin ni Janelle.
“Waley talaga ang lola mo. Sabi ko nga sa kanya, ‘Alam mo hindi naman minamadali iyan. Ang importante ikaw may mga anak ka na, di ba? Tapos pag bumalik ka sa career mo ang bilis-bilis lang, kasi Claudine ka na!’
“Tapos sabi ko sa kanya, yung lovelife or any kind naman ng love di ba, ma-attract mo, you attract what you are, you have to love yourself first before you attract love.’
“So iyon yung itinuturo ko, sabi ko, ‘Mahalin mo muna yung sarili mo para mas maka-attract ka ng love sa buhay mo.’
Lahad pa ni Janelle, “Kasi that’s the law of attraction talaga, you attract what you are. So if ayaw mo yung nasa paligid mo you also have the power to eliminate them.
“Kung feeling mo yung relationship or tao or kaibigan na feeling mo hindi ka naggu-grow at puro negativity, you can eliminate them.
“You don’t need them. Kung gusto mo ng bagong energy o mga bagong taong ma-attract sa buhay mo you have to start from within. Di ba?
“Sa sarili mo muna.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Apat na pugante sa Japan, naaresto
INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) fugitive search unit ang tatlong dayuhan na wanted ng krimen sa Japan. Kinilala ni BI fugitive search unit Rendel Ryan Sy ang tatlong dayuhan na si Ueda Koji, 27, Kiyohara Jun, 29, at Suzuki Seiji, 29 na naaresto sa loob ng subdivision sa Paranaque City. Inaresto […]
-
Pagtanggap ni Vanessa Bryant sa Hall of Fame award ni Kobe naging emosyunal
Naging emosyonal si Vanessa Bryant ng tanggapin nito ang Naismith Memorial Basketball Hall of Fame para sa pumanaw na asawang NBA legend Kobe Bryant. Kasama niya sa stage si NBA superstar Michae Jordan. Kahit na hindi na nagsalita si Jordan ay naging mahalaga ang presensiya nito sa taas ng stage dahil […]
-
Fajardo papuwede na sa Abril – Austria
INALIS ni Leovino ‘Leo’ Austria ang agam-agam ng mga Philippine Basketball Association (PBA) at Beermen fan sa pag-absent ni June Mar Fajardo sa Gilas Pilipinas para sana sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiet third window sa Clark sa Pebrero 15-23. Ginarantiyahan ng San Miguel coach na sigurado naman ang pagbabalik […]