• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pingris binigyang pugay!

Kaliwa’t kanan ang papuring tinanggap ni Marc Pingris ng Magnolia Hotshots nang magdesisyon itong tuluyan nang magretiro matapos ang 16 taong paglalaro sa PBA.

 

 

Kabilang na sa mga nagbigay-pugay si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na minsan nang nahawakan si Pingris sa kampo ng Hotshots.

 

 

Isa si Pingris sa itinutu­ring ni Cone na paborito nitong player dahil sa magandang pag-uugali nito sa loob at labas ng court.

 

 

“End of an era. Certainly one of a kind. I loved, in every way, coaching Ping. Tough as nails on the court, gentle in spirit off it,” ani Cone.

 

 

Dahil dito, isa si Pingris sa nagsisilbing magandang halimbawa ni Cone sa mga baguhang players na tinuturuan nito.

 

 

“Marc Pingris will be the standard from which I coach future players. My fave,” ani Cone.

 

 

Nagpasalamat naman si Pingris sa magandang mensahe ni Cone.

 

 

Aminado si Pingris na malaki ang papel ni Cone sa mga tagumpay na na­tamo nito sa kanyang professional basketball career.

 

 

Kaya naman hindi nito makakalimutan ang lahat ng itinuro nito sa kanya lalo pa’t noong mga panahong nagsisimula pa lamang ito sa PBA.

 

 

“Coach Tim, it’s because of you that I grew to understand the sport as more than a game. Thank you for giving me the opportunity to become part of history with our 2014 grand slam. I am proud to have played the game we both love with you,” ani Pingris.

Other News
  • UP guard Bea Daez, ikinagulat na mapili bilang WNBL ambassador

    Ikinagulat ni dating University of the Philippines guard Bea Daez-Fabros sa pagkakapili sa kaniya ng WNBL bilang ambassador.   Sinabi nito na hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin ang alok ni NBL executive vice president Rhose Montreal.   Dagdag pa nito na layon nito ngayon ay palaguhin ang women’s basketball sa bansa. Nag-represent na […]

  • Lambda variant bagong banta sa Pinas

    Isa na namang ba­ong variant ng COVID-19 na Lambda na inihaha­lintulad sa Delta ang magiging bagong banta sa Pilipinas na kaila-ngang makapagsagawa ng mga pamamaraan na huwag makapasok sa bansa.     Ayon kay infectious  disease expert Dr. Ront­gene Solante, na bagama’t hindi pa natutukoy sa Pilipinas, kumakalat na ang Lambda variant na unang natukoy […]

  • KASO NG OMICRON SUBVARIANT BA 2.75, NAITALA SA BANSA

    INIULAT  ng Department of Health (DOH) nitong Martes na naitala ng bansa ang mga unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.75 na kaso.     Sinabi i ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na ang unang dalawang kaso ng BA.2.75 subvariant ay parehong mula sa Western Visayas na aniya ay kapwa nakarekober na sa virus.   […]