‘Pink Sunday,’ idinaos sa Quezon City Circle
- Published on February 15, 2022
- by @peoplesbalita
NAGING kulay rosas ang Quezon City Memorial Circle noong Feb 13, Sunday kasunod nang pagdaraos ng “People’s Proclamation Rally” ni Vice President Leni Robredo para sa kanyang presidential bid, na tinaguriang ‘Pink Sunday.’
Nagtungo rin naman si Robredo sa QC City Hall kung saan personal siyang winelcome ni QC Mayor Joy Belmonte.
Laking pasalamat naman ni Robredo sa mainit na pagtanggap sa kanya ng alkalde, gayundin sa kanilang mga libu-libong mga tagasuporta na dumalo sa proclamation rally na aniya, ay tatlong ulit na mas marami kumpara sa kanilang initial projection na 5,000 attendees lamang.
Aniya, una nilang inisip na hindi nila maaabot ang inaasahang 5,000 katao na dadalo sa proclamation rally.
“Yung umaga pa lang 5,000 people daw ang expected, sinabihan ko yung team namin wag maglalagay ng 5,000 dahil baka di naman natin makaya yung 5,000. Okay na yung sabihin natin na imbitado yung supporters, pero wag na magsabi ng numero. Mukhang wala sa aking nakinig,” aniya pa.
“Noong pauwi na kami ng gabi, lalo akong ninerbyos kasi ang nakalagay na, 20,000 na ang expected. Pero mabuti naman pala na hindi sila sumunod. Dahil ngayong araw po, lampas-lampas tayo sa 20,000 people,” dagdag pa ng presidential aspirant.
Nabatid na alas-8:00 pa lamang ng umaga ay marami ng tao sa circle.
Sa crowd estimate naman ng Quezon City Police District (QCPD) dakong alas-11:00 ng umaga ay aabot na sa 7,000 ang tao sa circle.
Kabilang sa mga dumalo sa proclamation rally ay ang running mate ni Robredo na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, gayundin ang mga senatorial candidates na kabilang sa kanilang tiket. (Daris Jose)
-
PH 3×3 may award sa PSA
May espesyal na parangal ang Philippine men’s 3×3 team na may ticket sa Olympics Qualifying Tournament sa gaganaping SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night ngayong Biyernes sa Centennial Hall ng Manila Hotel. Mangunguna sina Alvin Pasaol at Joshua Munzon, 2019 Chooks-To-Go Fan Favorite awardee, sa koponan para sa okasyon na mga hatid ng […]
-
Matapos tanggihan ng manager ang ‘Feng Shui’: JUDY ANN, twenty years ang hinintay para makatrabaho si Direk CHITO
VERY excited si Judy Ann Santos dahil sa wakas ay natuloy na ang pagsasama nila ng direktor na si Chito Roño sa isang horror film. Dalampung taong hinintay ni Juday ang pagkakataong maidirek siya ni direk Chito sa isang horror film, naudlot ang tsansa noong 2004 dahil tinanggihan ni tito Alfie Lorenzo, ang namayapang […]
-
West Philippine Sea, ang ‘real flashpoint’, hindi ang Taiwan-Amb. Romualdez
SINABI ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez na ang West Philippine Sea (WPS) ang “real flashpoint” para sa armed conflict sa Asya at hindi ang isyu ng Taiwan. Sa pagsasalita ni Romualdez sa Consular Corps of the Philippines, nagpahiwatig ito na ang tensyon sa mga nakalipas na buwan sa pagitan ng […]