• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy athletes sisimulan na ang paghakot ng ginto

INAASAHANG  madaragdagan pa ang unang gold medal ng Team Philippines sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa pagsalang ngayon sa finals ng anim na national kickboxers.

 

 

Sisimulan din ng mga Pinoy athletes ang kanilang mga kampanya sa 15 pang sports events para sa pormal na pagbubukas ng mga kompetisyon matapos ang ope­ning ceremony kahapon na binanderahan ni pole vaulter EJ Obiena bilang flag-bearer.

 

 

Nagmula kay Mary Francine Padios ang u­nang gold medal ng bansa sa Vietnam SEA Games nang manguna sa women’s seni tunggal event ng pencak silat.

 

 

Nakakuha rin ang bansa ng limang silver at limang bronze medals mula sa kurash, handball at rowing competitions para upuan ang No. 4 spot sa medal standings.

 

 

“Let’s encourage our athletes, let’s pray for them. They have prepared hard for this, it’s their time to shine now,’’ sabi ni Philippine Sports Commissioner at Chef De Mission Ramon Fernandez.

 

 

Kumolekta ang Vietnam ng 10 golds, 7 silvers at 10 bronzes para kaagad manguna sa paghakot ng mga medalya kasunod ang Malaysia (9-3-6) at Indonesia (3-4-0).

 

 

Kumpiyansa si Sama­hang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) Secretary-Ge­neral Atty. Wharton Chan na malalampasan nila ang nakamit na tatlong golds, dalawang silvers at isang bronze noong 2019 Manila SEA Games.

 

 

“Our athletes have done a tremendous performance and exceptional job despite fighting in a hostile terrain after beating several Vietnamese athletes,” ani Chan.

 

 

Babanderahan naman ni two-time World Gymnastics champion Caloy Yulo ang kampanya ng mga Pinoy bets sa 15 pang sports events.

 

 

Lalahok si Yulo sa men’s pommel horse, rings, even bars, high bar, floor exercise at vault.

 

 

Kumolekta si Yulo ng dalawang gold at limang silver medals noong 2019 Manila edition.

 

 

Naghari ang 22-anyos na Batang Maynila sa floor exercise at vault events ng 2019 at 2021 World Championships sa Stuttgart, Germany at Kitakyushu, Japan, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Sasalang din ang mga national athletes sa badminton, 3×3 basketball, billiards and snookers, bodybuil­ding, chess, esports, fen­cing, golf, gymnastics, sepak takraw, table tennis, tennis, wushu at indoor volleyball.

 

 

Kumpiyansa si Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion na makakapag-uwi ang national team ng siyam na gintong medalya kasama ang apat ni Yulo sa MAG.

Other News
  • Lillard pumukol ng 11 tres sa panalo ng Blazers

    PORTLAND, Ore. — Dinuplika ni Damian Lillard ang sarili niyang  franchise record na 11 three-pointers at tumapos na may 38 points para pamunuan ang Trail Blazers sa 133-112 dominasyon sa Minnesota Timberwolves.     Kumonekta si Lillard ng matinding 11-for-17 shoo-ting sa 3-point range at hindi na naglaro sa fourth quarter para sa Portland (15-12) […]

  • TWISTED THRILLER “DON’T BREATHE 2” OPENS IN PH CINEMAS NOV 17

    FROM the minds behind blockbuster thrillers Don’t Breathe and Evil Dead comes what Indiewire describes as “a clever, twisted continuation that breathes new life into the horror sequel.”  Columbia Pictures’ suspenseful tale Don’t Breathe 2 will finally be seen in its eye-popping terror when it opens exclusively in Philippine cinemas on November 17.     [Watch the film’s restricted trailer at https://youtu.be/G-ZfiJZnbFY] […]

  • CHAVIT, ‘dark horse’ sa pagka-senador sa 2025 Election

    DAHIL sa pag-akyat ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging “dark horse” ang ngayo’y tumatakbo sa pagka-senador na si Luis “Chavit” Singson, ayon sa pinaka-huling datos na isinagawa ng Tangere, isang online polling body.       Base sa “The 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey”, 11.29% ang itinaas ng grado ni Chavit […]