Pinoy, binitay dahil sa kasong pagpatay sa Saudi Arabia —DFA
- Published on October 9, 2024
- by @peoplesbalita
ISANG Filipino sa Kingdom of Saudi Arabia ang binitay dahil sa kasong pagpatay sa isang Saudi national.
Sa isang mensahe, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na ginawa na lahat ng departamento ang magagawa nito hinggil sa kaso ng akusadong Filipino kabilang na ang pagpapadala ng presidential letter of appeal, subalit nabigo lamang sila.
“No official confirmation from Saudi authorities yet but yes, our Embassy in Riyadh reports that there was an execution. It was for murder of a Saudi national over money,” ayon kay De Vega.
“We did all we could: court appeal, presidential letter of appeal, trying to get the victim’s family to accept blood money. In the end, our efforts were not successful as the victim’s family wanted the death penalty instead of accepting blood money,” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, ayaw naman ng pamilya ng binitay na Filipino na ipalathala pa ang naturang kaso.
“Out of deference to their wishes, and out of respect to their privacy, we will withhold details on the case. We appeal to the media and the public to understand and heed the wishes of the family,” ayon kay De Vega.
Samantala, tiniyak naman ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na magbibigay ng tulong ang gobyerno sa pamilya ng binitay na filipino.
”The family is requesting privacy. Rest assured we’re assisting them, the family and this is a case na medyo matagal na rin, nasa OWWA pa ko noon,” ayon kay Cacdac.
”Ýun nga, the family is requesting privacy, galangin na lang natin ‘yung privacy ng family,” ang sinabi ni Cacdac.
Binigyang diin ni Cacdac na ginagawa lahat ng pamahalaan ang lahat ng hakbang hinggil sa kaso.
Sa katunayan aniya ay nakikipagtulungan ang DMW sa DFA para sa agarang pagapapauwi sa labi ng binitay na Pinoy. (Daris Jose)
-
Magkakaroon pa ng formal announcement: ALDEN, nagsimula nang mag-shooting ng untitled movie nila ni JULIA
NAGSIMULA nang mag-shooting ng movie sina Asia’s MultiMedia Star Alden Richards at si Kapamilya actress Julia Montes, last Sunday, April 16. Wala pang title ang movie na co-production venture ng GMA Pictures at Cornerstone Entertainment at under the direction of Ms. Irene Villamor. Maraming nagulat sa balitang ito dahil walang announcement […]
-
JAB TO JOBS: SOLUSYON PARA MAKABANGON SA PANDEMYA – MARCOS
NANINIWALA si Partido Federal ng Pilipinas standard bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mas mabilis na makababangon ang bansa kung ganap na mauunawaan ng bawat Pilipino ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa Covid-19 para makamit ang ‘herd immunity’, na siya namang magbibigay daan sa tuluyang pagbangon ng ekonomiya . Sa panayam kay Marcos […]
-
Criminal group member, timbog sa baril at granada sa Malabon
NAGWAKAS na ang maliligayang araw ng isang miyembro ng criminal group na sangkot umano sa serye ng robbery holdup sa northern part ng Metro Manila matapos madamba ng pulisya sa loob ng isang palengke sa Malabon City. Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Amante Daro, naaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Station Intelligence […]