• March 23, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Criminal group member, timbog sa baril at granada sa Malabon

NAGWAKAS na ang maliligayang araw ng isang miyembro ng criminal group na sangkot umano sa serye ng robbery holdup sa northern part ng Metro Manila matapos madamba ng pulisya sa loob ng isang palengke sa Malabon City.

 

 

Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Amante Daro, naaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Station Intelligence Section (SIS) sa pangunguna ni P/Lt. Richel Sinel at Police Sub-Station-6 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Carlos Cosme, Jr. si Alfredo Almario, Jr. 50, listed bilang miyembro ng notoryus “Salibio Criminal Group” sa loob ng Malabon Public Market sa F. Sevilla St. Barangay Tañong dakong alas-11:45 ng gabi.

 

 

Sinabi ni Col. Daro na unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng SIS mula sa Barangay Information Network (BIN) hinggil sa resensya ng isa sa mga niyembro ng Salibio Criminal Group habang gumagala sa loob ng naturang palengke na may nakasukbit na baril sa kanyang baywang.

 

 

Kaagad nakipag-ugnayan si Lt. Sinel kay PLt Benedicto Zafra, Deputy Commander ng SS6 saka ikinasa ang police operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek matapos walang maipakitang kaukulang mga dokumento sad ala niyang baril na nakasukbit sa kanyang baywang.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang isang caliber .38 revolver na kargado ng limang bala at isang MK2 hand grenade na nakuha sa loob ng dala niyang itim na belt bag.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Malabon police sa matagumpay na pagkakaaresto sa umano’y notosyur na miyembro ng criminal group.

 

 

Ani Col. Daro, kakahasuhan nila ang suspek ng paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions at RA 9516  o ang Unlawful Possession of Explosives sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • ₱40B COVID-19 vaccines, maaaring masayang dahil sa mababang vax turnout — Concepcion

    NAGBABALA si Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na may ₱40 bilyong halaga ng COVID-19 vaccine doses ang malapit nang mapaso’ o ma-expire at masayang lamang bunsod ng mababang immunization turnout.     “Yes, I’m told the cost of all of these vaccines amount to ₱40 billion.” Concepcion said in a public briefing. “Siyempre iba […]

  • Spy fund walang lusot sa COA, Kongreso

    HINDI  umano dapat mangamba na maabuso ang confidential and intelligence funds (CIFs) ng ilang ahensya ng gobyerno dahil dadaan ito sa masusing pagsisiyasat ng Kongreso at Commission on Audit (COA). Sabi ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee, na ang pagbusisi sa CIFs ay ginagarantiyahan ng batas sa pamamagitan General Appropriations Act (GAA), […]

  • Limitadong religious gatherings, pinapayagan para sa mga fully vaccinated na tao

    PINAPAYAGAN ang limitadong religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.     Ang pahayag na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos magdesisyon ang National Task Force na ipagbawal ang “in-person religious gathering” para sa Pista ng Itim na Nazareno.     Bago pa ang […]