• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy boxer Charly Suarez may napili ng bagong makakalaban

MAY napili na si Pinoy boxer Charly Suarez na susunod na makakahaap para makamit ang world boxing title.

 

 

Matapos kasi ang technical knockout na panalo niya kay Jorge Castaneda ng US noong Setyembre 20 ay may ilang nakalatag na boksingero kung sino ang makakaharap nito.

 

 

Ilan dito ay sina WBO junior featherweight champion Emmanuel Navarrete.

 

 

Sinabi ng trainer ng Pinoy boxer na si Delfin Boholst na si Suarez na ang susunod na challenger nito ni Navarrette.

 

 

Magkakaroon kasi ng laban si Navarrete sa kapwa Mexicano na si Oscar Valdez sa darating na Disyembre 7 sa Arizona.

 

 

Umaasa rin ang 36-anyos na si Suarez na dito sa Pilipinas gawin ang nasabing laban.

 

Ang Davao del Norte boxer ay mayroong 18 panalo at wala pang talo na mayroong 11 knockouts.

Other News
  • PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi

    PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi ng 40 smart TV, 287 wall fan, at 287 ceiling fan na ibinigay ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas  sa mga pampublikong paaralan ng elementarya at high school sa nasabing lungsod para magamit ng mga guro at mga estudyante. (Richard Mesa) 

  • Pinas, mananatiling “top rice importer” sa buong mundo — USDA

    MANANATILING “top rice importer” ngayong 2024 ang Pilipinas sa buong mundo.     Ito ang naging pagtataya ng United States Department of Agriculture (USDA).     Sa pinakabagong ulat ng USDA, inaasahang aangkat ang Pilipinas ng 3.8 milyong metriko toneladang bigas ngayong taon.     Ang China naman ang “second” top rice importer, sumunod ang […]

  • 1 SA 2 SUSPEK SA PANGANGARNAP AT TANGKANG PAGPATAY SA CARPOOL DRIVER, ARESTADO

    TIMBOG ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang isa sa dalawang suspek sa pangangarnap at tangkang pagpatay sa 28-anyos na carpool driver na binigti at pinagsasaksak sa loob ng minamanehong Toyota Hi Ace van ng biktima.     Kinilala ni PLT Robin Santos, hepe ng Valenzuela City Warrant and Subpoena Section (WSS) ang naarestong […]