• April 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy boxer Mike Plania, wagi matapos ang big upset vs Greer sa Las Vegas

Nagtala ng malaking upset win ang Pilipinong si Mike Plania sa bakbakan nila ng Amerikanong si Joshua Greer Jr. ngayong Miyerkules (Manila time) sa MGM Grand Conference Center sa Las Vegas.

Si Plania, na unang Pinoy boxer na nakatapak sa ring mula nang magsimula ang coronavirus pandemic, ay nagwagi sa pamamagitan ng majority decision, 94-94, 96-92, 97-91.

Maganda agad ang panimula ng 23-anyos na si Plania kung saan agad nitong pinadapa si Greer matapos ikonekta ang kaliwang hook sa unang round.

Muli namang napatumba ni Plania si Greer sa ikaanim na yugto ng bakbakan, gamit ulit ang makamandag nitong kaliwa.

Bagama’t ipinilit ni Greer na makahabol sa laban, mistulang huli na ang lahat upang iayon sa kanya ang sagupaan.

Bago ang laban, si Greer (22-2, 12 KO) ang heavy favorite at ang numero unong contender para sa isa pang Pinoy na si John Riel Casimero na hawak ang WBO bantamweight title.

Tubong General Santos City, nakamit na rin ngayon ni Plania (24-1, 12 KO) ang kanyang ikasiyam na sunod na panalo.

Other News
  • Dinaig ng CEU Scorpions si Olivares para manatiling walang talo sa UCBL

    Dinisarmahan ng CENTRO Escolar University ang Olivarez College sa unang quarter para tungo sa mahangin na 94-61 panalo at anim na larong sweep sa first round elims sa 5th PG Flex Linoleum-Universities and Colleges Basketball League (UCBL) noong Lunes sa ang Paco Arena sa Maynila.   Nagsimulang mainit ang Scorpions, na sumugod sa 28-11 kalamangan […]

  • Biktima ng mail order bride, nasabat sa MCIA/NAIA

    NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babae na biktima ng pekeng marriage scheme  na biyaheng China ang nasabat sa Mactan International Airport (MCIA) . Kinilala ang biktima na isang 23-anyos na babae na hindi pinangalanan alinsunod sa anti-trafficking laws. Ang babae na nagsabing pupunta siya ng China  upang umano’y bisitahin ang kanyang asawa […]

  • Pinas, nakatanggap ng P48.7-M Aussie aid para sa Covid-19 response

    NAKATANGGAP ang Pilipinas, araw ng Biyernes ng P48.7 milyong halaga ng cold chain equipment at iba pang tulong mula sa Australian government, sa pamamagitan ng United Nations Children’s Fund (Unicef) Philippines.     Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ang Australian government ay “long-time ally” ng Pilipinas at nagbigay ng […]