Pinoy ice skater Michael Martinez sinimulan na ang fundraising activities para sa pagsabak sa 2022 Beijing Winter Olympics
- Published on April 14, 2021
- by @peoplesbalita
Sinimulan na ni Filipino ice skater Michael Martinez ang kaniyang fundraising activities para sa kaniyang pagsabak sa 2022 Beijing Winter Olympics sa Pebrero 22.
Sa kanyang social media nagpost ito ng mga larawan at video ng kaniyang training sa US.
Pinaghahandaan kasi nito ang Olympic qualifying tournament sa NEBELHORN TROPHY na gaganapin sa Setyembre 22 hanggang 25, 2021 sa Germany.
Kasama niya sa training ang kaniyang coach na si Nikolai Morozov na isang batikang ice skating coach sa mundo.
Magugunitang nabigo na nakasama si Martinez sa 2018 PyeongChang Olympics ng magtapos ito sa pang-28 sa kabuuang 30 competitors.
Naging unang Olympic skater mula sa Southeast Asia si Martinez na sumali rin sa 2014 Sochi Olympics.
-
MASS VACCINATION PARA SA MGA KABATAAN, UMARANGKADA NA SA MAYNILA
UMARANGKADA na sa Lungsod ng Maynila ang “mass vaccination” para sa general population ng edad 12 hanggang 17 anyos sa anim na district hospital ng nasabing lungsod ngayong araw. Pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pag-iinspeksyon sa nasabing bakunahan sa Sta. Ana Hospital […]
-
Pagsipa ng online registration ng PhilSys, pinuri ni PDu30
PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsisimula ng online registration ng Philippine Identification System (PhilSys) noong Abril 30. ito’y matapos na humingi ng paumanhin si National Economic Development Authority (NEDA) chief Karl Chua para sa “technical difficulties” na sumira sa pilot registration via “online portal” para sa national ID registration. “I have […]
-
Dahil sa pag-come-out na isa ring kakampink: ANNE, naikumpara ng netizens kay TONI na kilalang BBM supporter
NAGLABAS na ng statement si Anne Curtis kung ano ang political color o kung sino ang Presidenteng sinusuportahan niya. Ang daming nag-comment at halos umabot ng 15,000 ang retweet sa simpleng pagre-retweet ni Anne ng kakampink crowd sa Iloilo campaign sortie ni Vice President Leni Robredo. Ni-retweet lang ni Anne […]