MASS VACCINATION PARA SA MGA KABATAAN, UMARANGKADA NA SA MAYNILA
- Published on November 6, 2021
- by @peoplesbalita
UMARANGKADA na sa Lungsod ng Maynila ang “mass vaccination” para sa general population ng edad 12 hanggang 17 anyos sa anim na district hospital ng nasabing lungsod ngayong araw.
Pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pag-iinspeksyon sa nasabing bakunahan sa Sta. Ana Hospital kung saan nagpasalamat ang Alkalde sa mga magulang na tumugon sa kanilang panawagan na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra COVID-19.
Ayon kay Domagoso, pangarap nito na makabalik na sa kani-kanilang mga eskwelahan ang mga kabataan sa oras na maipatupad na ang limitadong “face-to-face class” sakaling mapili ang lungsod ng Maynila sa pagpapairal nito.
Ayon pa kay Domagoso, plano ng lokal na pamahalaang lungsod na dagdagan pa ang mga lugar sa pagsasagawa ng pagbabakuna sa mga kabataan. Aniya, simula sa Biyernes ay magkakaroon na rin ng pagbabakuna sa apat na mall sa lungsod at iba pang mga lugar kung saan malawak at magiging komportable ang pagbabakuna.
Ang naturang bakunahan ay ilalaan para sa mga kabataan at iba pang indibidwal na kabilang sa A1 hanggang A5 category.
Pagkakataon na rin ito para unti-unting umangat ang mga negosyo sa mga malls kung saan maaaring mamili, kumain o mamasyal habang hinihintay ng kaanak ang isa nilang miyembro na binakunahan.
Dagdag pa ng Alkalde, nananatiling “open policy” ang kanilang pamamahagi ng bakuna sa mga kabataan habang magsasagawa rin ang lokal na pamahalaan ng house to house na pagbabakuna para sa mga “bedridden” na menor de edad.
Nabatid na nasa higit 120,000 dose ng Pfizer ang naitabi ng lokal na pamahalaang lungsod na nasa kanilang cold storage facility kaya’t handa silang bakunahan ang mga kabataan na nagparehistro na sa www.manilacovid19vaccine.ph na umaabot na 53,325.
Samantala, batay sa pinakahuling ulat, nasa 1,102 na mga kabataan ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa anim na pampublikong ospital ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ngayong tanghali. (GENE ADSUARA)
-
Jiu Jitsu champion sa Brazil na si Leandro Lo patay matapos barilin
PATAY matapos barilin ang sikat na Jiu Jitsu champion ng Brazil na si Leandro Lo. Ayon sa mga kapulisan ng Sao Paulo, naganap ang pamamaril sa 33-anyos na si Lo sa isang night club sa Saude. Isa umanong off-duty na pulis ang nakabaril sa ulo ng biktima na mabilis na tumakas […]
-
WHO idineklarang ‘pandemic’ ang COVID-19
SINABI ng World Health Organization (WHO) na hindi dapat ipagsawalang-bahala ang pagiging pandemic ng sakit. Noong kasagsagan ng pagdami ng tinatamaan ng sakit na SARS hindi idineklara ng WHO na ito ay nasa pandemic level. Huling ginamit ng WHO ang deklarasyon ng “pandemic” sa 2009 H1N1 o swine flu outbreak, pero binawi rin […]
-
Pinas, may “binding obligation” sa posibleng pagbili ng Sinovac vaccine sa China
MAYROONG “binding obligation” ang Pilipinas hinggil sa posibleng pagbili ng COVID-19 vaccine doses sa Sinovac ng China. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay tugon sa sinabi ni Finance Undersecretary Mark Joven sa Senate inquiry noong nakaraang Biyernes na ang term sheet na tinintahan ng gobyerno ng Pilipinas at Sinovac ay hindi […]