Pinoy na nagsabing mahirap, bahagyang bumaba
- Published on January 20, 2024
- by @peoplesbalita
BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga Pinoy na ikinokonsidera ang kanilang mga sarili bilang mahirap, batay sa nationwide survey ng Social Weather Stations (SWS) sa unang bahagi ng Disyembre 2023.
Sa nasabing survey, 47% umano sa mga respondents ang nagsabi na sila ay mahirap o tinatayang 13.0 milyong self-rated poor families.
Bahagya naman itong mas mababa kumpara sa 48% o 13.2 milyong pamilya noong Setyembre at pagbaba rin mula sa 51% noong Disyembre 2022.
Ang pagbaba ay dulot ng decrease sa Mindanao kung saan ang self-rated poverty ay bumaba sa 61% mula sa dating 71% noong Setyembre.
Samantala sa balance Luzon ay naging 39% mula sa 35%, sa Metro Manila ay 37% mula sa 38%, at sa Visayas region, 58% mula sa 59%.
Mula naman sa 13-milyong self-rated poor families, nasa 2.2 milyon ang nagsabi na sila ay “newly poor” o hindi dating mahirap sa nakalipas na apat na taon.
Samantala, nasa 1.6 milyon naman ang “usually poor,” at 9.2 milyon ang “always poor.”.
-
Mag live-in partner, 1 pa, timbog sa buy bust sa Valenzuela
TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang mag live-in partner ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng umaga. Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang mga naarestong suspek na sina Mark Anthony David, alyas “Mak”, 37, motorcycle mechanic, live-in […]
-
Shang-Chi Movie Images Show Detailed Look At Marvel Superhero Costume
MARVEL’S newest hero is ready for action in new images from Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings. After the successful released of Black Widow, all eyes are now turning towards the MCU’s next movie release. Shang-Chi will arrive in theaters on September 3, and unlike Black Widow, it will only be available in theaters. The Destin […]
-
Mahigit P21-M na halaga ng pinsala sa agrikultura sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Aghon
AABOT sa mahigit Php21-million na halaga ng tinamong pinsala ng sektor ng agrikultura sa naging pananalasa ng Bagyong Aghon sa Pilipinas. Batay sa inilabas na monitoring update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, papalo sa kabuuang Php21,651,548 ang halaga ng iniwang Agricultural damage ng naturang bagyo sa bansa. […]