• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy na nagsisimba linggo-linggo 38% lang — SWS survey

BAGAMA’T  70% ng mga Katolikong Pilipino ang nagdarasal ng hindi bababa sa isang beses sa isang araw, kakarampot lang ang dumadalo sa pagsamba linggo-linggo, ayon sa panibagong survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS).

 

 

‘Yan ang resulta ng poll ng SWS na ikinasa mula ika-10 hanggang ika-14 ng Disyembre 2022 na siyang inilabas nitong Lunes. Sinasabing 79% sa mga nakapanayam ay mga Katoliko.

 

 

“38% attend religious services once a week/more than once a week,” banggit ng survey firm sa isang pahayag kahapon.

 

 

Narito ang datos kung titilad-tilarin:

 

isa o higit pa kada linggo: 38%

dalawa o higit pa kada buwan: 24%

isang beses kada buwan: 20%

dalawa hanggang 11 beses kada taon: 9%

isang beses kada taon: 7%

hindi talaga: 3%

 

 

Kabaliktaran ito kapag tinignan naman ang bilang ng mga Pinoy pagdating sa kanilang pananalangin.

 

 

“[Seven] out of 10 Filipino Catholics pray at least once daily,” wika pa ng SWS.

 

 

“10% several times a week, 6% every week, 4% [two to three] times a week, 4% about once a month, 2% nearly every week, 1% several times a year, 1% about [one to two] a year, 1% less than once a year, and 1% never.”

 

 

Sa kabila nito, 93% sa mga nakapanayam ay nagtungo sa kani-kanilang bahay sambahan sa nakalipas na tatlong buwan. Labas diyan, ito ang mga datos:

 

nanonood ng religious services online: 3%

sumamba nang personal at online/TV: 2%

hindi talaga pumupunta: 1%

 

 

Ginawa ang survey sa pamamagitan ng harapang panayam sa 1,200 Pilipinong nasa wastong gulang sa buong bansa at sinasabing merong “sampling error margin” na ±2.8%.

 

 

“SWS employs its own staff for questionnaire design, sampling, fieldwork, data processing, and analysis and dos not outsource any of its survey operations,” dagdag pa nila.

 

 

“The report was prepared by Fernel Ted Paguinto.”

 

 

Kilalang karamihan sa mga Pilipino ay Katoliko at kinikilala bilang pinakamalaking konsentrasyon ng mga Kristiyano sa buong Asya.

 

 

Maliban sa mga Katoliko, sunod na marami ang mga nagpra-practice ng Islam maliban pa sa iba’t ibang sekta ng Kristiyanismo.

Other News
  • PATAFA pinirmahan na ang mediation agreement ng PSC

    PINATUNAYAN ng athletics association ang kanilang hangaring tuluyan nang plantsahin ang gusot nila kay national pole vaulter Ernest John Obiena.     Opisyal nang nilagdaan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang mediation agreement ng Philippine Sports Commission (PSC) para masolusyunan ang isyu nila kay Obiena.     “On behalf of the Board […]

  • NEW “TEENAGE MUTANT NINJA TURTLES” MOVIE “MUTANT MAYHEM” REVEALS TEASER TRAILER

    FROM permanent teenager Seth Rogen, a new generation of heroes will rise…from the sewers. Watch the new teaser trailer for Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem – Only in cinemas this August 2023.     YouTube: https://youtu.be/P5XBy6lMfWE     Facebook: https://facebook.com/watch/?v=1186827725366595&ref=sharing     Paramount Pictures, Nickelodeon Movies, and Point Grey Productions present the all-new CG-animated theatrical film, Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant […]

  • Dahil ibang level ang pagiging kontrabida: DENNIS, inaming pinakamahirap na role ang tinanggap sa ‘Pulang Araw’

    INAMIN ni Kapuso Drama King Dennis Trillo na ang role bilang Japanese Imperial Army’s head, Col. Yuta Saitoh sa ‘Pulang Araw’ ang pinakamahirap na papel na ginampanan niya sa ngayon.         Sa exclusive media conference para sa aktor, ang kontrabida role na ito ay ibang level sa kanyang acting career.     […]