PINOY PUGS VS JAPANESE RIVALS SA INT’L BOXING
- Published on February 20, 2020
- by @peoplesbalita
PINOY laban sa Hapon ang namumuong hidwaan ngayon sa international boxing.
Isa pang Philippine-Japan fight ang masasaksihan matapos ang naikasang laban nina Giemel Magramo at Japanese pug Junto Nakatani sa Abril 4 sa Tokyo, Japan.
Pag-aagawan nina Magramo at Nakatani ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) flyweight crown na iniwan ni Japanese Kosei Tanaka na nagdesisyong umakyat sa super flyweight division laban sa kababayang si Kazuto Ioka.
Nakatakda ring labanan ni WBO bantamweight champion John Riel Casimero si International Boxing Federation at World Boxing Association bantamweight titlist Naoya Inoue sa Abril 25 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada.
Una nang nagtuos sina Inoue at Filipino-American Nonito “The Filipino Flash” Donaire noong Nobyembre 7 sa bantamweight finals ng World Boxing Super Series na ginanap sa Saitama, Japan kung saan nanaig ang Japanese pug.
Kaya naman desidido ang mga Pinoy fighters na makabawi sa pagkakataong ito upang maiwagayway ang bandila ng Pilipinas.
Hindi matatawaran ang katatagan ng Japanese fighters sa international arena at tula dng Mexico, tunay na kagigiliwan ang naturang duwelo.
Kasalukuyang may limang world titlist kumpara sa apat lamang ng Pilipinas.
Kasalukuyang kampeon ng Japan sina Kenshiro Teraji (WBC light flyweight), Hiroto Kyoguchi (WBA light flyweight), Kazuto Ioka (WBO super flyweight), Ryota Murata (WBA middleweight regular champion), at Inoue (WBA, IBF bantamweight).
Samantalang kasalukuyang world champions ng Pilipinas ay sina eight-division world titlist Manny Pacquiao (WBA welterweight super champion), Pedro Taduran (IBF minimumweight), Jerwin Ancajas (IBF super flyweight) at Casimero (WBO bantamweight).
-
Gilas Pilipinas nakakatutok na sa paglahok nito sa FIBA Asia Cup
NAKATUON na ngayon ang atensyon ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa FIBA Asia Cup sa buwan na Agosto na magaganap sa Saudi Arabia. Kasunod ito sa pagkatalo nila sa New Zealand para sa last window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa score na 87-70. Kahit na nabigo ay nasa pangalawang puwesto sila sa Group […]
-
Bongbong admin ‘posibleng’ makipagtulungan kay Robredo
KUNG si Sen. Imee Marcos ang tatanungin, pwedeng makipagtulungan ang kapatid niyang si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa karibal at nakalabang si Bise Presidente Leni Robredo — aniya, “walang imposible.” Kilalang kritiko ng Martial Law at dikdatura ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. — ama nina Bongbong at Imee — si Robredo, […]
-
Request sa GMA na pagsamahin uli sa serye: Nabubuong loveteam nina BARBIE at DAVID, tanggap ng mga netizens
ACCEPTED ng mga netizens ang nabubuong love team nina Barbie Forteza at David Licauco, at sila pa ang nagbuo ng Team FiLay sa historical fantasy portal na “Maria Clara at Ibarra.” Open din sa mga fans ang real love story nina Barbie at sa boyfriend nitong si Jak Roberto. Si David naman ay […]