PINOY PUGS VS JAPANESE RIVALS SA INT’L BOXING
- Published on February 20, 2020
- by @peoplesbalita
PINOY laban sa Hapon ang namumuong hidwaan ngayon sa international boxing.
Isa pang Philippine-Japan fight ang masasaksihan matapos ang naikasang laban nina Giemel Magramo at Japanese pug Junto Nakatani sa Abril 4 sa Tokyo, Japan.
Pag-aagawan nina Magramo at Nakatani ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) flyweight crown na iniwan ni Japanese Kosei Tanaka na nagdesisyong umakyat sa super flyweight division laban sa kababayang si Kazuto Ioka.
Nakatakda ring labanan ni WBO bantamweight champion John Riel Casimero si International Boxing Federation at World Boxing Association bantamweight titlist Naoya Inoue sa Abril 25 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada.
Una nang nagtuos sina Inoue at Filipino-American Nonito “The Filipino Flash” Donaire noong Nobyembre 7 sa bantamweight finals ng World Boxing Super Series na ginanap sa Saitama, Japan kung saan nanaig ang Japanese pug.
Kaya naman desidido ang mga Pinoy fighters na makabawi sa pagkakataong ito upang maiwagayway ang bandila ng Pilipinas.
Hindi matatawaran ang katatagan ng Japanese fighters sa international arena at tula dng Mexico, tunay na kagigiliwan ang naturang duwelo.
Kasalukuyang may limang world titlist kumpara sa apat lamang ng Pilipinas.
Kasalukuyang kampeon ng Japan sina Kenshiro Teraji (WBC light flyweight), Hiroto Kyoguchi (WBA light flyweight), Kazuto Ioka (WBO super flyweight), Ryota Murata (WBA middleweight regular champion), at Inoue (WBA, IBF bantamweight).
Samantalang kasalukuyang world champions ng Pilipinas ay sina eight-division world titlist Manny Pacquiao (WBA welterweight super champion), Pedro Taduran (IBF minimumweight), Jerwin Ancajas (IBF super flyweight) at Casimero (WBO bantamweight).
-
‘Dear SV’, magsisilbing tribute sa namayapang ama: SAM, inamin na okay pa rin ang relasyon nila ni RHIAN
WALANG makapagdududa na ang mga magulang ay may mahalagang papel sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Ito ay ipinamalas kay Congresman Sam Verzoza Jr at sa kanyang mga kapatid. Ipinagmamalaki ng CEO at co-founder ng Frontrow International ang pagiging junior ng orihinal na SV na si Sam Verzosa, na pumanaw kamakailan. Inilalarawan niya ang kanyang […]
-
WHOSE SIDE ARE YOU ON? MEET ALL THE TRANSFORMERS IN “RISE OF THE BEASTS”
Autobots, Maximals, Terrorcons. Are you ready for the big battle for Earth in Transformers: Rise of the Beasts? Directed by Steven Caple Jr. and starring Anthony Ramos and Dominique Fishback, the epic action adventure from Paramount Pictures arrives in Philippine cinemas June 7. (Watch the trailer: https://youtu.be/Q36-envs5OU) About Transformers: Rise of the Beasts Returning to […]
-
5 babaeng Vietnamese, nasagip sa prostitusyon
LIMANG babaeng Vietnamese nationals ang nailigtas habang dalawa pang dayuhan ang dinakip sa entrapment operation ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Southern Police District (SPD) kaugnay sa pambubugaw umano ng mga babae para sa panandaliang aliw, sa Parañaque City, kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ni SPD Director P/Brig. General Kirby John Brion […]