• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinsala sa agrikultura dahil sa bagyong Paeng, pumalo nasa P3.16-B – Department of Agriculture

PUMALO na sa Php 3.16 billion ang katumbas na halaga ng napinsalang agrikultura nang dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng sa Pilipinas.

 

 

Batay sa pinakahuling datos ng Disaster Risk Reduction Management Operations Center ng Department of Agriculture, lumobo na sa 197,811 metric tons ang volume ng production lass ng bansa.

 

 

Saklaw nito ang nasa 84,677 ektarya ng mga agricultural area sa iba’t ibang rehiyon na sinalanta ng bagyong Paeng kabilang na ang Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao, at Soccsksargen.

 

 

Iniulat din ng naturang ahensya na umabot na rin sa 83,704 ang bilang ng mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng nasabing kalamidad.

 

 

Ito ang dahilan kung bakit lubhang apektado rin ngayon ang bilihin sa bansa kabilang na ang palay, mais, high-value crops, palaisdaan, livestock, at poultry.

 

 

Habang nasira rin ang ilang agricultural infrastructure, machinery, at equipment.

 

 

Samantala, sa kabilang banda naman ay tiniyak ng kagawaran na sa kabila ng lahat ng ito ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng tulong para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.

 

 

Kabilang sa mga tulong na ipinapaabot sa kanila ay ang Php1.74 billion na halaga ng butong palay, Php11.57 million na halaga ng corn seeds, at Php20.01 million na halaga ng iba’t ibang binhi ng gulay.

Other News
  • Philippine beach volley teams handa na sa Vietnam SEAG

    MAYROON  nang sapat na eksperyensa ang national beach volleyball teams para lumaban sa gold me­dal sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12-23.     Nagmula sa training camp sa Australia ang dalawang koponan kung saan humataw ang national men’s team ng gold habang isang gold at isang silver ang nakamit ng […]

  • Pinoy netters, hahambalos vs mga Greko

    NARITO na sa bansa si men’s world top 10 lawn tennis player Stefanos Tsitsipas at agad na ipinakita ang kahandaan para pamunuan ang Greece kontra Pilipinas para sa Davis Cup World Group II playoffs sa Biyernes at Sabado sa Philippine Columbian Association (PCA), Plaza Dilao sa Paco, Maynila.   Lagpak sa ikalawang pwesto kay Novak […]

  • DOLE, NAKATAKDANG DESISYUNAN ANG WAGE HIKE PETITIONS

    INAASAHAN na raw na maglalabas ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ng kanilang desisyo nsa mga wage hike petitions sa lalong madaling panahon.     Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Benjo Benavidez, posibleng sa mga susunod na mga linggo ay may desisyon na rito ang RTWPB.     Aniya, […]