• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinuri ang ginawang vlog kasama si Maricel: NADINE, may na-realize at grateful sa mga pinagdaanan sa buhay

IBANG-IBA ang excitement ng Kapuso star na si Beauty Gonzalez na ngayon ay nagsisimula ng mag-taping para sa GMA sitcom nila ni Senator Bong Revilla, ang “Walang Matigas na Mister sa Matinik na Misis.”
Halatang enjoy si Beuaty sa role niya bilang Misis ni Sen. Bong na isang Bisaya. Happy rin siya sa cast, not to mention na talagang big deal para kay Beauty na mapiling leading lady ni Senator Bong.
Sabi nga ni Beauty, “Feeling the vibe at our first group activity for our new sit com Walang Matigas na Mister sa Matinik na Misis. And this cast is everything, fun, Beauty & Brains, And extreme coolness. Can’t wait to get on set.”
Makakasama rin nina Beauty at Sen. Bong sina Max Collins, Nino Muhlach, Kelvin Miranda, Kate Valdez, Raphael Landicho at iba pa. Sa direksiyon nina Enzo Williams at Frasco Mortiz.
***
MARAMI ang pumuri sa ginawang vlog content ni Nadine Lustre kunsaan, naging guest niya ang kanyang “Inay” na si Maricel Soriano.
Habang pareho silang gumagawa ng flower arrangement, tipong nagkukuwentuhan lang ang dalawa. Kaya ilang comment ng netizen, “Napaka-unique, walang intros, super raw, no editing, sarap panoorin.”
Sa chikahan nilang dalawa, nabanggit ni Nadine nang sabihin ni Marya na, “you have to make the most out of it, baka magsisi ka, e.”
Dito shinare ni Nadine na, “Ako rin, na-realize ko ‘yan lately, especially sa brother ko nang mawala siya na sana, I spent more time with him at saka sana, nagsabi pa ako ng I love you.”
Sa kabila nito, grateful naman daw si Nadine sa mga challenges na pinagdaanan niya.
Katwiran niya, “Hindi naman ako magiging ganito kung hindi dahil sa mga hirap na naranasan ko.”
At dahil sa mga ganitong collab nina Nadine at Maricel, may mga clamor ang mga fan na sana raw, magkasama sila sa movie.
(ROSE GARCIA)
Other News
  • Health expert, nagbabala ng COVID-19 ‘surge’ matapos ang May 9 polls

    MAAARING maharap ang bansa sa panibagong surge ng COVID-19 cases matapos ang May 9 polls o sa mga susunod na ilang buwan.     Pinagbasehan ng isang government health adviser ang multiple factors na puwedeng maging dahilan nito kung saan kabilang dito ang pagdaraos ng superspreader events at ang humihinang immunity sa populasyon ng mga […]

  • Dottie sumalo sa ika-54

    HUMILERA si Dottie Ardina sa tatlo sa ika-54 na puwesto na may $715 (P34K) bawat isa, habang si Clarissmon ‘Clariss’ Guce sa Amerikanang si Gigi Stoll para sa 57T na may $669 (P32K) each sa kahahambalos lang na 16th Symetra Tour 2021 sixth leg, $175K 13th Symetra Classic sa River Run Country Club sa Davidson, […]

  • LTFRB, nagbabala sa mga PUV driver na naniningil ng sobra sa sapat na pamasahe

    NAGBABALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga tsuper ng public utility vehicle hinggil sa overcharging sa pasahero ng ilan sa mga ito.     Kasunod ito ng isang insidente kung saan siningil ng tripleng halaga ng normal na pamasahe ang K-pop boy band member na si Joshua Hong noong […]