• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Plano kontra COVID-19, ilalatag ng PBA

NAKATAKDANG bumuo ang Philippine Basketball Association ng plano para tugunan ang pinakahuling kumpirmasyon ng mga panibagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa loob at labas ng bansa.

 

Kabubukas pa lang nitong Linggo ng 45th season ng liga sa Araneta Coliseum sa Quezon City kung saan tinambakan sa unang laro ng defending champion San Miguel Beer ang Magnolia Hotshots maski walang June Mar Fajardo.

 

Nagpatawag si professional cage league commissioner Wilfrido Marcial ng emergency meeting ng Board of Governors kahapon (Martes) para pag-aralan ang mga posibleng hakbang na gagawin kung saan lahat ng posibleng senaryo ay sisilipin ng liga.

 

“Maaaring maurong ulit ang schedule, puwede ring maglaro closed door,” wika kamakalawa (Lunes) ni Marcial. “Puwede rin namang ituloy din natin ang mga laro.”

 

Una nang naiurong ang iskedyul ng opening dahil din sa COVID-19, mula Marso 1 patungong Marso 8.

 

Sa lahat ng entry points ng Big Dome ang mga pumapasok ay sumasailalim sa temperature check. Naglagay na rin ng alcohol malapit sa mga exit na nagamit ng halos 10,000 nanood sa playing venue.

 

Laksa na ang sporting events sa buong mundo ang mga kinansela, ang mga itinuloy ay inilaro kahit closed door na lang. (REC)

Other News
  • Pinost din ang isang short video ni Baby Aura… ALICE, ‘di nagpahuli sa mga celebrities na nagpo-pose ng kanilang summer-ready beach bodies

    HINDI nagpahuli si Alice Dixson sa mga celebrities na nagpo-pose ng kanilang summer-ready beach bodies.     Sa kanyang Instagram, pinost ng former Bb. Pilipinas-International 1986 na suot niya bikini bottom at loose shirt kunsaan kita pa rin ang well-toned body niya sa edad na 52.     Caption pa niya: “50 shades of tan. […]

  • Pinas sa China: P60 milyong sinira sa Ayungin incident bayaran n’yo

    SINABIHAN ng Tsina ang Pilipinas na “face the consequences of its own actions” matapos humirit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na pagbayarin ng P60 milyon ang Chinese government para sa danyos na dinulot ng China Coast Guard (CCG) sa barko ng Pilipinas noong Hunyo 17.       Para kay Mao Ning, spokesperson […]

  • Kahit noong October pa ang birthday niya: RHIAN, patuloy pa rin sa pagbigay ng kawang-gawa sa mga single mothers

    TUMALAB ang pagpaparinig at pagpaparamdam ni Valeen Montenegro sa kanyang boyfriend na si Riel Manuel na gusto na niyang magpakasal.      Heto at nag-propose na noong nakaaraang November 24 si Riel kay Valeen.     Pinost ni Valeen ang special moment na ito sa kanyang Instagram na may caption na: “Easiest YES!!! What seemed […]