• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Planong pagbili ng Pinas ng bakuna laban sa ASF, naantala

NAANTALA ang planong pagbili ng Pilipinas ng bakuna laban sa anti-African Swine Flu (ASF).

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. na ito ang updates sa balak ng pamahalaan na pagbili ng bakuna laban sa ASF.

 

Nauna rito, tinanong kasi ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang bagay na ito kay Sec. Roque lalo pa’t ang suplay ng baboy ay mahirap aniyang makuha hanggang sa may pagakataoon na walang makuha.

 

“Kasama po ‘yan (anti-ASF vaccine) sa whole of nation approach, naantala lang po ang deployment ng ASF vaccine kasi mataas po ang demand at mas inuna po iyong COVID-19 [vaccines],” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Sec. Roque na naglaan na ang pamahalaan ng sapat na hakbangin para tugunan ang problema sa ASF habang nakabinbin ang deployment ng ASF vaccines.

 

“Meanwhile po, magbibigay po tayo ng insurance sa mga magbababoy para hindi po sila tuluyang malugi at magkaroon sila ng kumpiyansa na magsimula ulit pagkatapos nila masalanta ng ASF,” aniya pa rin.

 

Samantala, batay naman sa record ng Department of Agriculture, dahil sa ASF, may 4 na milyong baboy na ang namatay sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

At ang resulta, nahaharap ang National Capital Region sa matinding pagdurusa sa suplay ng baboy at manok na nagresulta naman ng paiba-ibang pagtaas ng presyo nito. (Daris Jose)

Other News
  • 6 dagdag na benepisyo sa health workers isinulong

    Makakakuha ang frontline health workers ng anim na dagdag na benepisyo tuwing may public health emergency, kapag naisabatas ang panukalang isinumite ni Sen. Kiko Pa­ngilinan.     Layon ng “Health Wor­kers Protection During Public Health Emergencies Act” ni Pangilinan na pagtibayin ang dagdag na benepisyo para sa public at private health care workers na may […]

  • PBBM, patuloy na ihihirit sa gobyerno ng Indonesia na bigyan ng pardon si Mary Jane Veloso

    PATULOY na ihihirit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gobyerno ng Indonesia na bigyan ng commutation o pardon  ang pinay na si Mary Jane Veloso na nasa death row ng nasabing bansa  dahil sa kasong droga.     “We haven’t really stopped. The impasse is we continue to ask for a commutation or even a […]

  • Lim pakay pumuwesto sa Summer Olympic Games

    AASINTA si Jamie Christine Lim ng ticket sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong lang ng July 2021 dahil sa Covid-19 sa paglahok sa World Karate Federation (WKF) Olympic Qualification Tournament 2021 sa Paris, France sa darating na July 11-13.   “Mahirap ang kompetisyon. Hindi dapat magkamali roon,” lahad Miyerkoles ng 22-taong gulang, may taas […]