PLASTIC CRISIS TINALAKAY NG UN SA FRANCE, QC MAYOR BELMONTE KUMATAWAN SA MGA CITY MAYORS AND LEADERS
- Published on June 1, 2023
- by @peoplesbalita
KINATAWAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga mayor at city leaders sa buong mundo sa isinagawang high-level event ng United Nations Treaty on Plastic Pollution sa Paris, France na pinangasiwaan ng French Government at United Nations Environment Programme.
Sinabi ng alkalde kung gaano kahalaga na mapakinggan ang bawat sentimiyento ng mga lungsod at komunidad upang mas mapabuti ang Plastic Treaty na tutugon sa problema ng plastic pollution sa buong mundo.
Ayon sa alkalde, direktang apektado ang mga lungsod ng plastic crisis kaya kailangan nito ng suporta mula sa mga national leader.
Inihayag din ni Belmonte ang mga programa ng Quezon City sa plastic waste reduction gaya ng pagbabawal sa paggamit ng plastic bags at single-use plastics sa mga pamilihan sa QC, pagbabawal ng single-use containers at sachets sa mga hotel, at ang Trash to Cashback program na nagbibigay ng insentibo sa mga residente na mag-iipon at magdadala ng recyclable plastics sa designated areas.
Kasama ni Mayor Joy sa panel ng pagtitipon sina French Minister for Europe, and Foreign Affairs Catherine Colonna, French Minister for Ecological Transition and Territorial Cohesion of France Christophe Béchu, United Nations Environment Programme Executive Director Inger Andersen, Marine Biology Professor of University of Plymouth Prof. Richard Thompson, Ellen MacArthur Foundation Executive Head for Plastics and Finance program Rob Opsomer, World Wide Fund for Nature International Correspondent Marco Lambertini, at ang kinatawan ng mga kabataan na si Zuhair Ahmed Kowshik.
Ang pulong ay dinaluhan ng mga leader mula sa ibat-ibang bansa, at mga kinatawan ng mga international organization kabilang ang United Nations Environment Programme (UNEP), International Council for Local Environmental Initiatives (ICLEI), Ellen McArthur Foundation, Bloomberg Philanthropies, WWF, World Economic Forum (WEF), United Nations Development Programme (UNDP) and UN Habitat. (PAUL JOHN REYES)
-
Nagpasalamat sa higit na tatlong dekada na magkasama: SHARON, wasak na wasak ang puso sa pagpanaw ng kaibigan na si FANNY
ILANG araw pagkatapos ng National Election, nadagdagan ang sobrang kalungkutan ni Megastar Sharon Cuneta dahil nagluluksa naman siya sa pagpanaw ng malapit na kaibigan na si Fanny Serrano. Ramdam na ramdam ang kanyang IG post na may caption na, “Too much heartbreak, in only a matter of days.(kasama ng tatlong black hearts icon)” […]
-
Minimum wage pinarerebyu ng DOLE
INATASAN na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa bansa na bilisan ang pagsusuri sa umiiral na ‘minimum wage’ kada rehiyon upang matulungan ang mga manggagawa na makaagapay sa hirap dulot ng krisis sa langis. Sinabi ni Bello na ang napakalaking pagtaas sa presyo […]
-
Umabot na sa 22 million accumulated views: MICHAEL V, binahagi ang naging inspirasyon sa paggawa ng “Salarin, Salarin”
NAPILI na ang Top 4 ng ‘Drag Race Philippines Season 3’. Pagkatapos ng ilang weeks na nagtunggali ang 11 drag queens sa mga challenges, naiwan na ang apat na queens para sa final showdown kunsaan isa sa kanila ang kokoronahan as the Next Drag Superstar. Ang mga queens na naiwan ay ang magkapatid […]