• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PLUNDER CASE LABAN sa mga NAGPATUPAD ng NCAP

ITO ANG  hiling ni Atty. Alex T. Lopez sa Ombudsman ng sampahan niya ng plunder case sila Manila Mayor Honey Lacuna at dating Mayor Francisco ” Isko Moreno” Domagoso.

 

 

Ayon sa demanda ni Atty. Lopez “NCAP of the City of Manila was created via City Ordinance 8676 series of 2020 nang Vice Mayor pa lang ang kasalukuyang Mayor.  Sabi ni Atty. Lopez

 

 

“It must be emphasized that in the City Ordinance 8676, series of 2020 THERE IS NO MENTION OR EVEN A HINT ON HOW THE PENALTIES WILL BE DIVIDED BY THE CITY GOVERNMENT OF MANILA AND THE COLLECTING PRIVATE ENTITY. FURTHER, THERE IS ALSO NO MENTION AS TO A SPECIAL FUND TO PUT THE COLLECTED PENALTIES PAID FROM THE ALLEGED TRAFFIC VIOLATIONS.

 

 

Ayon din kay Atty. Lopez what is even worse is that a percentage of the penalty will go DIRECTLY to the Private Entity, the QPAX Traffic Systems through a percentage agreement.

 

 

At dahil dito ay PRESUMED na may personal gain sa deal ang Mayor dahil sa Sec 3 (i) 2nd paragraph ng RA 3019- “Interest for PERSONAL GAIN SHALL BE PRESUMED against those public officers responsible for the approval of manifestly unlawful, inequitable, or irregular transactions or acts by the Board, panel, or group to which they belong”.

 

 

Humingi na ng extension of time para sagutin ang demanda ayon sa isang motion na inihain ng abogado ni Mayor Lacuna.

 

 

Depende na sa Ombudsman kung makakakita ng probable cause sa demanda ni Atty. Alex Lopez para isampa ang plunder sa Sandiganbayan.  No bail ang kasong plunder.

 

 

Ang NCAP ng Maynila ay naipasa sa panahon nang kasagsagan ng pandemya.  Ang sales talk dito ng mga nagsulong ay para walang contact ang enforcer at driver at iwas kotong daw. Pero ngayon marami amg nagtatanong at may duda ASAN ANG MGA MULTANG NAKOLEKTA? MAGKANO NA ang NAKOLEKTA? Hindi pamumulitika ang pakay ni Atty. Lopez dito kundi nais niya magkaroon ng accountability sa NCAP sa Maynila.

 

 

Asan nga ba ang pera? Kung magkaroon ng order ng refund na panawagan ng ilang Kongresista at ni Atty. Lopez MAIBABALIK PA BA ANG DAAN-DAANG MILYON NA NAKOLEKTA GALING SA MULTA?

 

 

Sana ay mabilis maresolba ng Ombudsman ang kaso at mapanagot ang mga mandarangbong. (Atty. Ariel Inton Jr)

Other News
  • Health forum hits the mark on the urgency of lung panel testing and personalized treatment to fight lung cancer

    Cancer remains the second leading cause of death in the Philippines, with lung cancer topping the list for cancer- related mortality in the nation. This comes as no surprise as almost a quarter of Filipinos aged 15 years and above smoke cigarettes, increasing the risk of developing lung cancer.       The good news […]

  • COVID-19 cases sa PNP tumataas

    Kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID sa hanay ng mga  pulis, inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa PNP Administrative Support to Covid-19 Task Force (ASCOTF) na magsagawa ng inventory sa mga gamot at iba pang mga medical supplies na kakailanganin ng mga police personnel.     […]

  • Pulis tinodas ng riding in tandem sa Caloocan

    ISANG pulis ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding in tandem na mga suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng mga bala sa katawan ang biktima na kinilalang si PCpl Ruben Tan, 28, nakatalaga sa Sta. Quiteria Police Sub-Station (SS-6) ng Caloocan City Police at residente […]