• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP, 3 buwan ang deadline para sa pagsusumite ng listahan kay PBBM ng mga nagbitiw na police execs

TATLONG buwan ang ibinigay ng Philippine National Police (PNP) na deadline nito para magsumite kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pinal na listahan ng courtesy resignation ng mga police officials.

 

 

Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na may 118 courtesy resignation na ang sinala ng PNP. Nagsimula ito noong Pebrero 24, 2023.

 

 

“The way they are moving right now, ang target natin ay three months, pero kamukha ng balita ko ay twice a week, so sabihin nating 118 on the average, times two, so makaka-200 ka every week, so in a month halos 800 ka na,” ayon sa Kalihim.

 

 

“So hopefully, bago mag-three months matapos ito,” dagdag na wika ni Abalos.

 

 

Sinasabing may 12 generals at colonels mula sa bilang na 955 PNP officers na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsusumite ng kani-kanilang resignation letter.

 

 

Ani Abalos, lima sa mga ito ay nagretiro na habang anim naman ang nakatakdang magretiro sa serbisyo.

 

 

“So technically isa na lang,” aniya pa rin.

 

 

Nauna rito, sumalang na sa evaluation at assessment ng 5-man advisory group ang mga senior officers ng Philippine National Police bilang bahagi pa rin ng mas maigting na paglilinis sa buong hanay ng kapulisan.

 

 

Sa ulat ng itinalagang tagapagsalita ng nasabing komite na si PNP-Public Information Office chief PCol. Redrico Maranan, ito ay matapos ang ikalawang pagtitipon ng advisory group na dinaluhan nina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, former Defense secretary Gilbert Teodoro, Undersecretary Isagani Nerez at PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr.

 

 

Aniya, unang sumalang sa pagsusuri ng komite ang may kabuuang 118 na mga senior officers ng Pambansang Pulisya gamit ang mga guidelines at worksheets na kanilang binuo para sa kanilang isasagawang evaluation at assessment sa mga heneral at koronel nito na nagsumite ng courtesy resignation.

 

 

Habang mayroon pa naman aniyang mahigit 800 na mga senior officers ng PNP ang nakatakda namang isailalim din sa evaluation sa susunod na gagawing pagpupulong ng 5-man advisory group.

 

 

Matapos ang first screening, ang ” list of resignations” ay dadaan sa National Police Commission (Napolcom) bago pa isumite kay Pangulong Marcos para sa kaukulang aksyon.

 

 

“Ibibigay ito sa Napolcom para i-review at ito ay hindi puwedeng dagdagan pa, ‘yun lamang mga pangalan na-sumite ay titignan ulit, just to make sure na ‘wag magkakamali,” ayon kay Abalos.

 

 

Samantala,  sinabi ni Abalos na mahalaga ang first screening  upang matiyak ang “tight process” dahil binubuo ito hindi lamang ng kapulisan o sundalo kundi maging ng civilian analysts.

 

 

Inamin ni Abalos na matagal at nakapapagod ang first screening  kaya nga labis niyang pinasasalamatan ang five-man-team, boluntaryong tumulong sa pag-assess sa courtesy resignation. (Daris Jose)

Other News
  • Aminadong naging greedy at ‘di pa nakuntento: DIEGO, na-scam nang big time matapos i-invest ang napanalunan

    WALANG binanggit na actual amount ng pera, pero isiniwalat ni Diego Loyzaga sa naging online mediacon ng Vivamax’s Greed na na-scam siya.     Hindi rin actually malinaw kung tumama ba sa lotto si Diego katulad sa kuwento ng Greed na mai-stream na sa Vivamax simula sa April 8 kunsaan, nanalo ang mga characters nila […]

  • 6 pang probinsya, nagtala ng ASF outbreak – DA chief

    IBINUNYAG ng Department of Agriculture (DA) na nakapagtala pa sila ng outbreak ng African swine fever (ASF) sa anim na karagdagang probinsya sa buong bansa.   Ayon kay DA Sec. William Dar, may na-monitor silang mga ASF outbreaks sa mga lalawigan ng Albay, Laguna, Quirino, Batangas, Quezon, at Cavite.   “Ang mga kawani ng Kagawaran […]

  • Gobyerno, handang tulungan ang mga Pinoy sa Taiwan –PBBM

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga manggagawang Filipino sa Taiwan na handa ang gobyerno ng Pilipinas na tulungan at suportahan ang mga ito ngayong “difficult times” kasunod ng malakas na lindol na tumama at yumanig sa isla, araw ng Miyerkules.       “We stand ready to assist and support our fellow […]